ABatA5G#56

6K 155 12
                                    

ABatA5G#56

Naging mabilis ang paglipas ng araw . Sa mga araw na iyon , ay laging si Ralvin ang nakakasama ko . Ewan ko dun kung bakit , biglaan nalang kasi e . Lagi narin niya akong niyaya lumabas . Tapos sasabihin niya out of the blue na date daw namen yun . E sino bang babae na hindi kikiligin lalo na't crush mo pa naman din siya ? Aroo~ kahit na sabihin ng iba na mukha akong tomboy pero pang puso ko pure parin na babae na madaling kiligin . Kyaaa ~ 

Pero napansin ko na parang may nagbago sa nararamdaman ko . Yung tipo kasi dati na madikit lang ako sa kanya kikiligin na buong kalamnan na tipong nahuhubaran na ako't gusto kong tumakbo sa gitna ng kalsada ng walang saplot ? nakakatuwa mang isipin pero ganun ang nararamdaman ko at makakaramdam din ako ng mga paru-paro at malakas na kuryente o ang tinatawag nilang sparks ? Ngayon parang wala na ang mga iyon at parang pilit nalang rin ang kilig ko dahil sa alam ko na gusto ko siya . Ang weird , saan na kaya napunta ang feelings ko para kay Bebe Ralvin ? .

Balita kay Kent ? ayun nakikisama na siya araw-araw sa 5 gwapo at ako naman ngayon ang umiiwas kapag nandiyan siya . Hindi ko parin kasi maiwasan na hindi isipin kapag pumunta ako sa kanila na nandun siya ay baka siya naman ang umalis at magtakha na yung lima . Ayoko naman nung ganun .  Natatakot nga parin ako na baka malaman nila ang naging mababaw na pag-aaway namen at magkagulo na . Ayokong mangyare yun ! Ayokong-ayoko !

Nasa Library ako ngayon at huling test na namen dahil bukas ang magiging outing ng mga fourth year college . Pinanindigan ko na talagang hindi sumama kahit kinukulit nila ako , pero hindi talaga nila ako napapayag . Ngayon ko pa ba iiwanan ang Inay ko nang malaman kong nakakulong ang lasinggero kong ama ? . Kaya pala wala ang hudas dahil nakakulong . Nakulong siya sa salang pagnanakaw . Buti nga sa kanya .

Napatalon ako sa kinauupuan ko ng may bigla nanamang umupo sa tabi ko . Paglingon ko , kumunot ang dalawa kong kilay . Anong ginagawa nanaman nito sa tabi ko ? wag niyang sabihin na may humahabol nanaman sa kanyang haliparot .

" Meron nanaman ba ? " panimula ko pero sa libro lang ang pansin ko , nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumango ito kaya tumahimik nalang ako .

Paano kung makipagbati na ako sa kanya ? tama kasi yung sinabi ni Celestine kahapon e . Na hindi matatapos ang isang pag-aaway kung dalawa kayong nagtataasan ng pride . Wala naman ako dati nun e , hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng ganun nung mag-away kami ni Kent . Makikipagbati na ba ako sa kanya ? Ughh ! Kainis naman e ! Simpleng pakikipagbati lang Coreen bakit hindi mo pa---

Nahinto ako sa pagsasalita sa isip ko ng bigla siyang magsalita .

" G-galit ka parin ba saken Coreen ? " inalis ko ang tingin ko sa libro at tumingin sa kanya . Ganun din pala ito kaya nagkatitigan na kami mata sa mata .

O_O luhh' bakit parang kumukulo yata ang tiyan ko ? e kakakain ko lang kanina e , si Ralvin pa nga yung bumili ulit ng mga pagkain ko with special delivery sa piknik table sa hardin . Doon na kasi ako nagsimulang tumambay mag-isa kapag kasama ng 5 gwapo si Kent .

" Oo " hindi ko alam kung saan nanggaling yung sagot kong iyon , hindi ba Coreen makikipagbati ka na ? ano pa yang ginagawa mo ? >_<

" Si-sige alis na ako " Yan ! yan ang sinasabi ko e . Aalis na siya , hindi nanaman kayo magbabati ! Ito na ang oras at araw para makipagbati na okay ? kaya go !

" Sa-sandali ! " sabay hawak ko sa braso niya , agad ko ring binawi iyon ng makaramdam ako ng kakaiba . Ano bang nangyayare saken ? lagi ko namang hinawakan si Kent ah ? nakiss ko na nga siya sa --- O////////O OMJ ! Ano bang iniisp ko ? shocks !

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon