ABatA5G#55
Naglalakad na ako ngayon papasok ng G.U . Maaga pa naman kasi kaya naisipan ko nalang pumasok . Atsaka gusto kong mapag-isip kung ano ang gagawin ko at sasabihin ko kapag nalaman na ng 5 gwapo na nag-away kami ni Kent .
At yung lalaking yun , wala ba siyang pakialam ? paano kung malaman ng iba na nag-away kami . Baka mag-away lang sila , hindi naman sa sinasabi kong ako ang kakampihan ng iba , pero ganun kasi ang iniisip ko . Kilala ko ang 5 gwapo , na kahit kasalanan ko , ako parin ang papanigan nila . Hindi ba niya naisip iyon ?
*sigh* Okay naman saken yung sumasama pa siya samen e , pero yung hindi na , para talagang tinutoo na niya yung pag-aaway naming dalawa .
" Hoy Tomboy ! "
Nagpantig ang tenga ko doon kaya napahinto ako sa paglalaka ko . Rinig kong may kotse na huminto sa gilid ko kaya nilingunan ko ito . Kailan ba magtatanggal ng shades ang lalaking ito ? wala namang araw e -__- .
" Kailangan mo yabang ? " tanong ko at naglakad muli . Ramdam ko naman na sinusundan ako nito sa paglalakad gamit ng mabagal na pag-andar ng kotse nito .
" Aalukin sana kita na sumabay nalang samen " napahinto ulit ako sa paglalakad at ganun din ito sa pagmamaneho . Tama narinig ko noh ? 'kami' ibig sabihin may kasama siya ? . Tumingin ako sa shotgun seat pero hindi ko makita ang loob nito " Sa GU karin nag-aaral hindi ba ? "
I nod " Sige Pre thank you nalang , kaya ko namang maglakad e "
" Err ang layo pa ng G.U mula dito ah ? " tanong nito ulit
" Okay lang Pre ! Sige na , baka malate yang kasama mo magalit pa sa'yo . Ge ! Ingat yabang ! " sabay wave ko sa kanya
" Hindi ka ba talaga sasabay samen ? " umiling ako " Okay , sige mag-iingat karin " pagkasabi niyang iyon ay isinarado na nito ang binatana ng kanyang kotse . Sinundan ko na muna ito ng tingin at sa likod ng salamin ng kotse ay doon ko nakita na lalaki pala ang kasama niya . Medyo naaninagan ko kasi hindi masyadong tinted at nasinagan ng araw .
Buti naman pala at hind ako sumabay , baka kung saan pa ako dalhin ng mayabang na yun e .
Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad . Napahinto nanaman ako ng may biglang huminto na kotse sa tapat ko isa itong Lamborghini Aventador . Napakamahal ng kotse nito , at sino naman kaya may-ari nito ? . Kung ang limang gwapo naman , malabo dahil nga puro mustang ang mga kotse ng mga yun . Wala e pinag-usapan -_- tapos di man lang ako naalalang ibili din ? TT^TT kaiyak !
Unti-unting bumababa ang bintana nito akya doon ko lang itinuon ang tingin ko . Napaamang ang bibig ko ng makilala ko kung sino iyon .
" Ayy ! Hello po Tito " sabay bow ko sa harapan niya , tumawa naman ito saken .
" Hello din sa'yo Iha , may nag-aalok sa'yo baka gusto mo daw suma-- " hindi na natatapos ang sinasabi ni Tito ng biglang dumukwang ang isang babae na nasa likuran pa nito .
" Hi Ate Coreen ! Halika , sabay ka na samen ni Daddy ! Sa G.U din ang punta namen e " - Emily
" Hindi na Emily , maglalakad nalang ako . Maaga pa naman e "
" Eeee ... ang layo pa ng G.U Ate , kaya sige na ! Sakay ka na pretty please " sabay pupppy eyes nito . Napailing nalang ako , paano ko ba tatanggihan ang batang ito ? . Ayts !
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...