ABatA5G#74
Coreen's POV
Nang matapos akong kausapin ni Leslie sa Library ay pinauwi ko muna ito sa kanilang mansion para matulog at magpahinga kahit ilang oras man lang bago kami magplano kung anong gagawin namen , kung paano namen kakausapin si Leeyara at kung paano ito mapapayag sa sinabi kanina ni Leslie .
Nakaramdam nga ako ng awa kay Leslie ng sabihin nitong , simula nung malaman niya na may anak siya at galit ako sa kanya ay hindi niya na magawang makakain ng maayos , na kung noon limang beses siyang kumakain sa isang araw ngayon kahit isang subo man lang ay hindi nito magawa , kaya pala nangayayat ( pumayat ) ang loko , lalong lalo na daw kung anong sinabi sa kanya ng Mommy niya . Hindi ko na ipinatuloy iyon sa kanya dahil baka mag-iba lang ang tingin ko kay Tita kapag nalaman ko pa iyon .
Nasa hardin ako ngayon at malalim na nag-iisip . Iniisip ko kung anong maaring pwedeng gawin . Hindi naman pwedeng wala at sumugod nalang doon na wala namang sapat na gagawin . Hay ! Sa lahat ng ginawa kong pagtulong sa mga kaibigan ko parang dito pa yata ako mahihirapan and take note may dalawa pa , kaya sana naman huwag nila akong pahirapan sa magiging problema nila sa mga lablayp nila -_- .
" Coreen " nahinto naman ako sa pag-iisip ng malalim ng may narinig akong tumawag saken , pag lingon ko ay si Kent ito na may dala-dalang donut kaya mabilis ko iyong kinuha sa kanya at kinagatan " Tss ! Pahingi ha ? at thank you ! " sarkastikong sabi nito habang umuupo sa tapat ng kinauupuan ko .
" Alam ko namang akin 'to e , kaya no need to say hingi at thank you nga pala Pre " inismiran nalang ako nito at kumain narin ng sakanya. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko at hindi ko muna siya kinausap . Maya't maya lang ay nilingon ko siya , nagtakha ako ng mapansin kong sa ibaba siya nakatingin sa gawi ko kaya sinundan ko iyon ng tingin , naitago ko naman ang legs ko ng mapagtantong doon siya nakatingin , take note nga pala , hindi lang pala iyon simpleng tingin , kundi masamang tingin na sinamahan ng pagkakunot ang noo . Bakit nanaman ba ? -_- .
" Kailan ka pa natutong magsuot ng maikling palda ? at kelan ka pa natutong mag palda ? " napatanga naman ako ng dahil doon sa kanya , napansin niya ? o.0 but why seem him like not happy ? hindi ba niya nagustuhan ? hindi ba ang gusto niya sexy ? kaya heto ! Na kahit ayaw kong isuot e sinuot ka na , sayang naman yung perang ginastos dito ni Kate at Xierra kung hindi ko naman gagamitin noh ? . Natago ko naman ang sarili kong katawan ng doon naman niya ako tignan " At kailan ka pa nagsuot ng damit na kulang nalang sumabog sa'yo ? " nginusuan ko naman siya ng dahil doon . Sama naman ng lalaking ito , napansin nga niya pero parang wala naman sa kanya -_- tapos nilait pa'ko !
Tinignan ko ang suot kong damit , e hindi naman mukhang sasabog saken yung damit e , ni wala nga akong bilbil ! Tss -_- .
" Walang pakialamanan Pre ! Nagpapapansin ako sa crush ko e , paki mo ba ? " sabay irap ko sa kanya .
" Ano ba yang crush mo Macho Dancer para mag suot ka ng pang pokpok na damit ? " nanlaki naman ang mga mata ko ng dahil doon na kulang nalang lumuwa . Anong sabi niya ? . Nakaramdam naman ako ng inis ! Xierra ! Ughh !
" Ano naman ngayon ? --- AHHH ! " napatili nalang ako ng bigla niya akong hilahin patayo at kaladkarin paalis " Hoy Kent ! Saan mo'ko dadalhin ? " tanong ko sa kanya habang nagpupumiglas ako sa pagkakahawak nito . Hindi naman niya ako sinagot kaya tumahimik nalang ako , tumingin nalang ako kung anong dinaraanan namen , sa locker nila , mas lalo naman akong nagpumiglas " Kent bitawan mo'ko ! Hindi ako puwedeng pumunta diyan , baka makakita ako ng ano-- ng-- basta ! Kent naman e ! " maktol ko sa kanya ng hindi niya parin binibitawan ang kamay ko . Holler ! Locker ho iyon ng mga lalaki , kaya malamang sa alamang ay maraming mga lalaki doon na nagbibihis , baka makakita pa ako ng dapat hindi makita . My ghad , mabibinyagan na ba ang Virgin eyes ko ? >"< Ghad !
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Подростковая литература[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi&amp;amp;lt;3 Join kayo sa...