ABatA5G#57
Sa sobrang saya ko , hindi ko alam kung paano ko na e-express ang feeling ko dahil sa sobra kong saya . Una nagkabati na kami ni Kent , pangalawa binuksan na ang K'sRL nung monday at pangatlo bumalik na ang dati naming pagsasamang anim . Yung pagsasama na kung nasaan ang isa nandoon ang lahat . Ahhh ! Hindi ko alam kung paano ko ilalabas itong saya ko o saya pa bang maitatawag dahil sa nararamdaman ko .
Hindi narin sumama sa outing ang 5 gwapo , kaya buong isang lingo kaming magkakasamang anim ^_^ .
" Mukhang iba ang gising nating ngayong umaga ah ? " tinignan ko naman ang nagsalita sa likod ko . Si Jhona , ang nakatoka ngayon sa kaha " You looks happy , blooming pa ang dating " taas babang kilay na sabi nito . Nagkibit balikat nalang ako't ngumiti nalang sa kanya . Nginitian nalang din ako nito pabalik .
Ibinalik ko ang tingin ko sa napakalawak na loob ng K'sRL . Hindi kami nagkamali ng 5 gwapo sa pagpapalaki ng shop na ito . Ang dami talagang tao , kung noon marami kang taong makikita na nakatayo para maghintay na may aalis , ngayon lahat sila ay masayang nakaupo na .
Pinagmasdan ko ang 5 lalaki ngayon ay nagse-serve sa iba't ibang table . Napakawala ako ng tawa ng may bigla na lamang yumakap na isang bading kay Jace . Napapansin ko , habulin ng bakla itong mokong na'to haha . At bago pa magkaaberya ay lumapit na ako sa kanila at inilayo si Jace sa bading na inaambaan na pala nito ng suntok .
" Jace , costumer yan . Wag mo ng patulan " awat ko sa kanya , bumaba naman ang kamao nitong nakaamba . Nakita ko ang mukha nito na napakasungit nanaman .
" E niyakap ako e " mariing sabi nito habang binibigyan ng matalim na tingin yung bakla , yung bakla naman nagpapacute pa imbis na matakot dahil sa ibinibigay sa kanya ni Jace .
" Alam ko dahil nakita ko " tumingin siya saken at binigyan ako ng nakangusong tingin . Bigla namang tumili yung bakla kaya umiba nanaman ang timpla ng mukha ni Jace " Jace , kumalma ka nga okay ? " pagkasabi ko nun ay hinarap ko yung bakla " Uhmm... pasensya na po kayo mainitin lang po talaga ang ulo nito " paghingi ko na pasumanhin .
Tinapik naman ako ng mahina sa braso nung bakla " Ano ka ba Ate , okay lang anoh ? gwapo naman e " at binigyan pa niya ako ng nakakalokong ngiti .
" May ibubulong ako " mahinang sabi ko na narinig naman yata nung bakla kaya lumapit siya ng bahagya saken . Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nito " Alam mo ba na may syota na yan ? "
" Talaga ? sino ? baka naman mas pretty pa ako sa kanya " gusto kong masuka ng dahil sa sinabi niya . Siya pretty ? san banda ?
" Hindi na mahalaga iyon kung sino siya , pero binabalaan kita na layuan mo na si Jace kung hindi ... " pagpuputol ko
" Kung hindi ? "
" Ipapakulam ka nung girlfiee niya " mukhang natigilan yung bakla " May kilala siyang magaling na mangkukulam sa siquijor , baka gusto mong-- "
" A--ayoko , ayoko ! " gusto kong matawa ng dahil sa naging sagot niya .
" Kung ganun-- " bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay nakaramdam na ako ng mga kamay na humihila saken paitaas . Pagtingin ko ay si Kent na nakakunot ang noo " Problema Pre ? may kinakausap pa yung tao e "
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...