ABatA5G#20

7.6K 268 12
                                    

ABatA5G#20

“ Kent “ tawag ko mula sa mahinang boses ng mabuksan ko ng kaunti ang pinto at isinilip ang ulo ko sa loob .

Madilim sa loob ng kwarto kahit medyo may kataasan na ang araw . Ng makapasok na ako ng tuluyan ay nakita ko si Kent na balot na balot  sa kanyang comforter . Napaisip naman ako sa sinabi ni Manang Lordes kanina , kung wala itong sakit ? bakit balot na balot siya ? .

Nilapitan ko muna ito sa kanyang kama at hinipo ang kanyang noo , nakahinga naman ako ng maayos ng maramdaman kong wala naman itong sakit . Naglakad ako patungo sa harapan ng bintana at hinawi ang makapal na kurtina na siyang nagtatakip ng pumapasok na liwanag na nagmumula sa araw . Narinig ko siyang umungol . Siguro ay dahil tumama sa kanyang mukha ang sinag ng araw .

Pagkalingon ko sa kanya , napapalatak ako dahil sa nakita ko . Nakatakip ang mukha nito gamit ang kanyang unan .

Ang tamad talaga neto tumayo ng maaga .

Umiiling na lumapit akong muli sa kinahihigaan niya at umupo sa kama nito .

“ Kent ! *tampalsabrasoniya* gising na “ – umungol lang ito sa ginawa ko at parang inaalis pa nito ang kamay ko na nakapatong sa braso niya .

Arte !

“ Kent *hampasmulisakanya* kapag hindi ka pa tumayo diyan , iiwanan kana namen “

No Response…

“ Kent DAGA !! “

No Reponse…

“ IPIS ! “

No Response…

“ Kent Sunog !! “

No Response …

*KamotSaUlo*

 

Grabe namang matulog itong lalaking ito , tulog mantika .

“ KENTO !! “ buong lakas kong sigaw .

“ Ahhhhhh’ nasaan ang sunog ? “ sabay tayo niya at nagtatakbo sa labas .

“ HAHAHAHAHAHAHA “ napahagalpak naman ako ng tawa sa naging reaksiyon niya , hahahXD sayang hindi ko na video-han Hoo !

Bumalik naman si Kent sa kwarto niya na masama ang tingin saken kaya napahinto ako sa pagtawa at umupo ng maayos

*ahem*

May bumara Tae! hahahahhaXD

“ Anong ginagawa mo sa kwarto ko ? “ kunot noong tanong niya atsaka naglakad pabalik sa kama nito . Buti naman at kinausap na ako nito ngayon . *sigh*

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon