ABatA5G#70
Coreen's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway . Alam niyo ba kung ano ang topic for this day ? ang magaganap na Prom lang naman sa susunod na lingo . Grabe ! Ang bilis ng araw , parang kahapon lang nasa harap kami ng puntod ni Tatay at yakap-yakap pa ako ni Kent . Sarap nga ng tulog ko e , at hindi lang iyon ang ikinasarap ng tulog ko . Napanaginipan ko kasi si Tatay , and for the first time in a million years napanaginipan ko rin siya at tama nga si Kent , masaya na si Tatay . Masaya na siyang umalis dahil alam niyang wala ng malulungkot sa kanya . Kaya Tatay , sorry kung ngayon ko lang kayo pinakawalan , sana po kung nasaan man kayo masayang masaya na po kayo :) .
" Good Morning Coreen " nilingon ko naman ang bumati saken , si Xie .
" Good Morning din Xie " ngiting balik na bati ko sa kanya .
" Handa ka na ba sa prom ? " umiling ako
" Wala naman akong pakialam diyan e , pero kung hindi lang talaga dahil sa plano niyo hindi ako sasali doon "
" Sabihin mo , mahal mo kasi siya kaya mo ginagawa ito " mabilis ko naman siyang sinundot sa tagiliran at sinenyasan siya na tumahimik .
" Baka may makarinig sa'yo uy ! "
" Hayaan mo sila , wala naman akong binanggit na pangalan e " napailing nalang ako " Teka , may partner ka na pala ? " kumunot naman ang noo ko
" Para saan ? "
" Sa Prom , dapat may partner ka na maglalakad sa red carpet noh ? "
" Ahh' wala pa e , kelangan pa ba nun ? "
" Oo naman , ang kapartner ata ang isa sa pinaka mahalaga sa Prom "
" E pano yun wala akong partner ? " kumunot naman ang ilong nito
" Hindi ka pa niya niyaya ? " umiling ako " Meron na ba siyang partner ? " nagkibit balikat ako
" Siguro , malay naten "
" Ughh ! Should I ask Ralvin na ? " kumunot naman ang noo ko " What is that for ? tss ! Para siya nalang maging partner mo , wala pa naman siguro iyon "
" Ikaw bahala "
" But try mo munang magtanong kay Kent okay ? baka wala pa iyon sayang ang chance noh ? , pero parang mali yata iyon "
" Mali talaga iyon dahil dapat lalaki ang nag-aalok at hindi lalaki para maging pair niya "
" Kung sabagay , pero wala namang mawawala kung magtatanong ka hindi ba ? magtatanong ka lang naman e "
" Bahala na "
-
Nasa library ako ngayon , hindi naman sa nagrereview ulit ako , kundi dahil naglilinis nanaman ako . Malapit na raw kasing matapos ang first sem kaya sinusulit na nila ang pag-uutos saken dahil sa darating na 2nd sem ay baka hindi na nila mautusan dahil baka magiging busy na ang lahat maging ako dahil gra-graduate na kami .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...