ABatA5G#65

6.9K 181 34
                                    

ABatA5G#65

Ang bilis talaga ng araw . Paano kasi parang kamakailan lang na pumunta kami ni Xierra sa mall ngayon birthday na ni Doreen .

Hindi sa bahay namen ginawa ang event kundi sa dating mansion nila Kent . Nung una , tanggi ako ng tanggi nung sabihin saken iyon ni Kent . Nang hindi ko siya maconvince na hindi na kailangan , pumunta pa ako sa kanila . Pero wala rin akong napala nung si Tito Kendrick na ang nagsabi saken .

*sigh* bakit ba pagdating kay Tito Kendrick , bagsak na bagsak ako ? TT^TT diko magawang tumanggi e !

Maayos na ang lahat , nandito narin ang mga bisita ni Doreen at Loreen . Nasa bente ang mga batang nagpunta . Grabe ! Iba rin palang makipagkaibigan ang mga kapatid ko . Daig pa nila ako .

" Iho maraming salamat talaga sa'yo " kanina pa yan si Inay , kanina pa nagpapasalamat kay Kent na ngayon ay katabi ko sa tapat ng mga pagkain .

" Naku Tita , wala po iyon , tama na po ang isang pasasalamat lang Tita , kagustuhan naman po namen ito ni Dad e " - Kent

" Hindi ko mapigilan ang sarili ko " sabay tingin kay Doreen na ngayon ay masayang nanunuod ng clown show " Ngayon ko lang nakita na ganyan kasaya ang anak ko , ito kasi ang unang beses na nabigyan siya ng napakagarbong birthday party " niyakap ko naman si Ibay sa bewang at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya .

" Inay , kahit wala naman po iyan masaya parin naman po si Doreen e " ramdam ko namang tinignan ako ni Inay " Na kahit walang ganitong kagarbong handaan , basta magkakama tayong lahat , okay na " ramdam kong hinalikan ako sa tuktok ni Inay kaya nilingunan ko siya at nginitian .

" Pero maraming salamat talaga Iho " - Inay

Nagkatinginan naman kami ni Kent at sabay nalang na nakangiti habang naiiling ang ulo .

" Tita talaga " pagkasabi nun ni Kent at nagpaalam si Inay na aasikasuhin muna ang mga kakainin ng mga bata mamaya .

" Ate Rinrin , Kuya Kenken " napalingon naman kaming sabay ni Kent ng may tumawag saming dalawa . Si Kayla na ngayon ay hawak-hawak ang kamay ni Doreen . Aba ! Bff na yata ang dalawang ito ah ? haha .

" Hmp ? nag-eenjoy ba kayo ? " sabay pisil ko sa mga pisngi nilang dalawa .

" Kuya Kent si Ate oh? , nilalamog nanaman yung pisngi ko " sumbong ni Doreen kay Kent . Binusangutan ko siya , narinig ko namang tumawa lang si Kent at mahinang hinampas ako sa braso .

" Wag mo namang lamugin yung pisngi ng birthday girl , Coreen " - Kent

Sinamaan ko ng tingin si Doreen " Arte " I murmurred , binelatan lang niya ako . Abat talagang...

" Bata lang yan Coreen " rinig kong bulong saken ni Kent , kaya ibinaling ko sa kanya ang masama kong tingin . Pero imbis na matakot ay ngumiti lang ito . Tss !

" Konsinterol ka kasi " sabay irap ko sa kanya , narinig ko nanaman siyang tumawa . Grabe ! Ilang beses ko na ba siyang naririnig na tumatawa ngayon ? nakakapanibago na siya ha ? .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon