ABatA5G#54

6K 180 25
                                    

ABatA5G#54

Nasa labas kaming lahat ngayon ng mga kaibigan ko . Si Aiden na sa loob parin ng bahay namen . Tagal namang gamutin iyon ni Inay -_- .

" Saan mo napulot ang lalaking iyon Coreen ? " - Leslie

" Sa kalsada " tipid na sagot ko habang sa pinto lang ang tanaw ko

" Sa kalsada pero may kotse ? " - nagkibit balikat nalang ako sa naging tanong ni Jace

" Parang pamilyar ang kotse niya , saan nga ba natin iyan nakita ? " - Ralvin

" Oo nga noh ? " - Braggy

" Nakita niyo na talaga yan " ramdam ko na tumingin lahat sila saken " Yan yung sasakyan na nakita niyo sa tapat ng shop na muntik na akong sagasaan "

" ANO ? " napatakip naman ako sa tenga ko ng sabay-sabay silang sumigaw . Paano pa kaya kung nandiyan si Kent ? , ay ! bakit ko ba sinasali yun -_- .

" Wag kayo , kasalanan ko naman dahil hindi ko tinitignan ang inaatrasan ko " paliwanag ko sa kanila , kumalma naman ang kanilang mga mukha .

" Buti at kasama mo ? " - Leslie

" Oo nga , hindi ba galit na galit ka pa nga diyan nun ? " - Braggy

" Tinawagan mo pa ngang mayabang e " - Jace

Magsasalita na sana ako ng may naalala ako . Tumayo ako sa harapan nilang lahat na nakataas ang isang kamay " May kasalanan pala kayo saken " matigas na pagkakasabi ko

" Ano naman ? wala naman kaming ginawa sa'yo ah ? " sagot agad ni Jace

" Meron ! Alam niyo ba kahapon na nalock ako sa gymnasium at ngayon lang nakauwi ? " sabay-sabay naman nanlaki ang mga mata nila ng dahil sa sinabi ko " Nasaan kayo kahapon ? akala ko ba kung nasaan ako nandun din kayo ?  anong nangyare kahapon ha ? " nagsiyuko naman silang lahat . Frustrate na umupo ulit ako " Wag niyong idadahilan saken na busy kayo , masusuntok ko kayo " pagbabanta ko na sa kanila .

Napansin kong unang tumayo si Braggy at pumunta sa likuran ko at naramdaman ko nalang na niyakap niya ako " Sorry Coreen " sabi nito , sumunod si Leslie pagtapos si Jace at Ralvin na niyakap din ako at sinasabi nila ang salitang 'Sorry' . Tumango nalang ako kaya isa-isa naman silang kumawala sa akin .

" Ang swi-sweet niyo namang magkakaibigan " sabay-sabay kaming napatinging apat sa nagsalita . Si Aiden . Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at hinarap siya .

" Tapos na ? " tumango naman siya " O sige pwede ka ng umalis ! " pananaboy ko

" Agad-agad ? hindi ba ako pwedeng makitambay muna sa inyo ? tutal wala naman akong pupuntahan e " - Aiden

" Hindi pwede ! Hindi tambayan ito ng mga mayayabang na tulad mo ! "

" We ? bakit sila ba hindi mayabang ? " sabay turo niya sa 5 gwapo , 4 lang pala .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon