ABatA5G#80

6.4K 167 4
                                        

ABatA5G#80

Coreen's POV

1 week na ang nakakalipas simula nung nanggulo sa bahay namin si Donya Cordy at isang lingo narin ang panliligaw saken ni Kent . Nalaman na ng buong angkan ko , de choss lang ! Ng buong mga kaibigan ko na nililigawan ako nito , napupuno nga kami ng tuksuhan kapag magkasama kaming dalawa e . Siyempre nagulat sila at the same time masaya rin lalong lalo na ang dalawa kong fairy god mother na sina Xierra at Kate . Inamin narin nila saken na si Ralvin ang sinasabi nilang damay sa plano nila , na kaya pala ako laging sinasama ni Ralvin sa mall ay dahil nga gusto nilang pagselosan si Kent . Siyempre ng malaman ko iyon aya agad akong nagtanong kay CB , nung una todo tanggi siya , kaya lang nung nagtatampo-tampururot na ako wala na siyang nagawa kundi sabihin nalang . Hihi , galing kong actress noh ? pasado ba ? >'< . Tapos ayun inamin niya na lagi niya kaming sinusundan nun , at kaya pala siya nandun sa mall nung bumibili kami ng cake ni Ralvin ay dahil nga sinusundan niya nga kami .

Hindi parin ako makapaniwala na nangyayare ito ngayon :) napakasaya ko , pero magiging masayang masaya lang ako kapag natapos na ang problema namin na ikinakaharap kay Donya Cordy . Ano kayang binabalak ng tandang iyon at hindi na nagpaparamdam ? .

Nasa tapat ako ng bahay namin ngayon kung saan kami madalas tumambay ang 5 gwapo . Nakakulong baba ako habang nakatingin sa malayo at iniisip kung anong binabalak ni tandang . Aish ! Bakit kasi kailangan pa niyang guluhin ang buhay namin kung kailan napatawad ko na si Itay at maayos na ? aish !

" Good morning Ija " napatingin naman ako sa bumati , inalis ko ang pagkakakulong baba ko at tumayo sa tapat nung babaeng nagsalita .

" Ano pong maitutulong ko sa inyo ? " tanong ko , ngumiti naman ito saken at lumapit saken .

" Ikaw ba ang anak ni Azon ? " napatigil ako ng dahil doon at sumama ang tingin ko sa kanya , napansin niya yata iyon dahil umataras siya sa kinatatayuan niya .

" Isa ka ba sa kampon ng kadiliman ni Donya Cordy ? kung oo makakaalis ka na , wala kayong makukuha samen kahit ano dahil kahit meron hinding hindi namin ibibigay sa inyo " sabay talikod ko pero napigilan ako nito dahilan para harapin ko ulit siya  " ANO BA ?! Tahimik at maayos na ang pamilya namin kaya wag na kayong umepal pa ! " sigaw ko sa kanya na ikinabigla pa nito . Tss ! Ughh !

" I-ija mali ka ng iniisp mo " pinagsalubong koa ng dalawa kong kilay at tinitigan siya sa mga mata na animo'y binabasa ko ang mga ito kung nagsasabi ba ito ng totoo " N-nandito ako para makipag-ayos at hindi manggulo " inalis ko na sa kanya ang pagkakatitig ko dahil nakikita ko nman doon na nagssabi siya ng totoo .

" Kung ganun , bumalik nalang po kayo bukas dahil wala po ang Inay sa loob " sabay talikod ko at naglakad patungong pintuan ng bahay .

" Sandali Ija " huminto ako sa bungad ng pinatuan papasok ng bahay " Maaring ikaw nalang ang kausapin ko ? hindi na kasi maaring ipagpabukas ito . Sige na Ija , nagmamakaawa ako sa'yo "

-

Pinapasok ko na muna ito sa loob at pinagtimpla ng jiuce na binili ko pa muna sa tindahan .

" Uminom po muna kayo , wag po kayong mag-alala , mineral po iyan " nginitian naman ako nito ngunit alam kong pilit iyon . Hindi niyo ako masisisi kung maging ganito ako sa kanya . Mayaman siya mahirap ako , kaya alam kong maarte ito pagdating sa mga ganitong inumin . Uminom naman ito ngunit panandalian lang .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon