ABatA5G#77

5K 154 7
                                    

ABatA5G#77

Coreen's POV

Nasa sala na ako ngayon ng bahay namin habang naglilinis . Maaga pa naman kasi , atsaka susunduin ako nila Kate at Xierra dito sa bahay after luch , kaya may time pa akong maglinis-linis .

May kumatok sa pintuan kaya natigil ako .

" Sino yan ? " tanong ko habang isinasantabi ang mga hawak ko . Walang sumagot kaya kumunot ang noo ko . Imposible naman kasi ang 5 gwapo ito , dahil kung sila iyon ay sa malayo palang maririnig mo na ang sigaw ni Braggy .

Nang buksan ko ang pinto ay may isang katandaang babae na nakasalamin ,naka-mabalbong jacket at naka sumbrero pa na pang boracay in short isa itong mayaman . Hindi kaya masoffocate ang lolang ito ? .

" Good morning po , ano pong kailangan nila ? " nakangiti kong tanong sa kanya , inalis naman nito ang suot na salamin kaya kitang-kita ko na ngayon ang kabuuan ng mukha nito . Napakunot ang noo ko at mas lalo ko siyang tinitigan ng may namumukhaan ako sa kanya . Sino na kasi iyon ?

" Stop staring me Ija " mabilis naman akong napayuko ng dahil doon .

" S-sorry po " mabilis kong paghingi ng pasensya .

" It's okay Ija . I am here to confirm that this is the house of Azon and Martin Venco ? " mabilis na napaangat ako ng tingin sa kanya ng may pagtatakha . Bakit niya kilala ang mga magulang ko ? .

" D-dito nga po , si-sino po ba sila ? " ngumiti naman ito saken .

" I am ... "

" Anak , ako na ang bahala dito sa-- " nilingon ko si Inay ng bigla itong napatigil sa kanyang sinasabi . Napakunot lalo ang noo ko ng makita ang itsura ni Inay na parang biglang bigla na parang nakakita ng multo . Nang sundan ko ang tinitignan nito ay sa taong nasa harapan ko lang naman . Magkakilala kaya sila ? " D-donya Cordy " bigkas ni Inay ng pangalan kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya .

" Kilala niyo po siya Inay ? " hindi makapaniwalang tanong ko at itinuro pa ang taong nasa harapan ko , nagtakha ako ng mabilis alisin ang kamay ko sa pagkakaturo sa matanda .

" A-ano ba Anak , mag bigay galang ka dali " sabay tulak ng mahina saken ni Inay .

" Po ? bakit po ? " kunot noong tanong ko , teka , bakit lagi nalang napapakunot ang noo ko ? baka pumagit na ako nito sa prom mamaya kakakunot nito , di pwede yun !

" S-siya ang L-- " hindi na naituloy ni Inay ang sasabihin niya ng biglang magsalita yung taong nasa harapan ko kanina .

" I'm your Grandma , Apo "

" Po ? "

-

Nasa sala kami ngayon ng bahay , kahiya naman kay Grandma at naratingan niya pa ang bahay na nililinisan pa lang .

" Pasensya na po kayo sa b-bahay Donya Cordy , marumi po kasi dahil naglilinis kami " kanina pa yang si Inay na naghihingi ng paumanhin . Pinagmasdan ko ulit siya , kaya naman pala may namumukhaan ako sa kanya kasi siya ang Ina ni Itay . Napasinghap naman ako ng may bigla akong naala . Oh my god ! " Bakit anak ? " napalingon naman ako kay Inay , mabilis naman akong tumango at yumuko .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon