ABatA5G#73

6.1K 157 8
                                    

ABatA5G#73

Coreen's POV

Gaya ng sabi ni Kent kagabi ay ipagpapatuloy nalang namin bukas ang paghahanap kay Leeyara . Kaya heto kami ngayon ay naglalakad na at iniisa-isa ang mga apartment na nadaraanan namin dito sa Insides St . Hindi nga kami pumasok e , okay lang naman iyon dahil hanggat kasama ko si Kent ay magiging excuse ako sa klase :) hihi .

Huminto kami sa paglalakad ni Kent at tinignan ng buo ang apartment na nasa harapan naming dalawa . SunLife Apartment ang pangalan .

" Tig dalawa tayo Kent ha ? ikaw sa kabila ako sa kanan " tumango naman ito kaya naghiwalay na kami . Apat na pinto kasi ang apartment kaya nagdalawahan kami ni Kent . Una akong nag doorbell sa gitna .

" Ano pong kailangan nila ? " nagpakawala naman ako ng malalim na hininga ng hindi si Leeyara ang lumabas ng gate .

" Pasensya na po , wrong address " pagdadahilan ko , tumango naman yung babae at pumasok na muli sa loob . Maglalakad na sana ako patungo sa kabilang bahay ng may mapansin ako sa loob , isang bike ng pang batang babae , mga damit na nakasampay na pang batang babae at sinelas rin na pang batang babae . Hindi kaya -- o baka naman may batang babae lang talaga dito ? aish ! Nasaan na ba kasi kayo Leeyara ? . Aalis na sana ako ng tuluyan ng marinig ko ang babae na nagbukas kanina ng gate na may tinatawag , hindi ko marinig nung una kaya inilapit ko pang ang sarili ko sa gate .

" Violet , wag naman matigas ang ulo mo ! "

o__O Violet ? nagmadali naman akong nag door bell ng nag door bell , hindi ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko , sana siya na ito , sana siya na ang hinahanap ko .

" Miss masisira yang door bell sa kakapindot mo " nahinto naman ako sa kakadutdot sa doorbell at unti-unti naman akong lumingon sa kanya . Kapwa naman kaming dalawa na nagkagulatan ng makilala ang isa't-isa .

" Leeyara "

-

" Kung nandito kayo para kunin ang anak ko , hindi ko siya ibibigay sa inyo " paninimula nito matapos kaming padalhan ng maiinom .

" Hindi kami narito para kunin sa'yo ang anak mo Leeyara , nandito kami dahil nag-aalala kami sa'yo , sa'inyo "

" Nag-aalala kayo samen o natatakot kayong ilayo ko sa kanya ang anak namen ? " nabigla naman ako ng dahil doon at hindi makapaniwalang pinagmasdan siya . Parang hindi siya yung Leeyara na nakausap namen nung isang araw lang , at parang hindi siya si Ate Clown na laging nakangiti habang nagsasalita sa harapan ng maraming bata . Kung sabagay hindi naman pala kami bata *pout*

" Hindi sa ganun Leeyara , mali ka ng iniisip mo "

" Kung ganun ano nga ba talaga ang tunay na dahilan at bakit hinanap niyo pa kaming mag-ina ? . Hindi ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko kay Leslie dahil lang sa may anak kaming dalawa , kung ayaw niyang panagutan ang bata fine ! Kaya ko namang alagaan ang anak niya ng wala siya sa buhay naming dalawa ng anak ko , three years nga nakaya kong wala siya , ngayon pa kayang nagkita na sila at nalaman niya ? " natahimik ako sa sinabi niyang iyon , nagiging ganito ba siya ngayon , ay baka dahil ibinubuhos lang nito ang sama ng kanyang loob ? " Mananahimik nalang ba kayong dalawa ? sagutin niyo na ang tanong ko at ng makaalis na kayo ! "

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon