ABatA5G#60

5.4K 172 3
                                    

ABatA5G#60

Hindi ko inaasahan ang bigla niyang ginawa . Napaiyak nalang ako , lahat ng mga nararamdaman ko parang biglang naglaho dahil sa ginawa niya .

.

.

.

Niyakap niya nalang ako bigla , at ng marinig ko na humikbi ito malapit sa tenga ko ay nawala lahat ng takot , pangangatog at kaba na nararamdaman ko . Pero bakit umiiyak ang Mommy ni Kent ? at bakit hindi niya ako sinampal ? pagsisigawan , kasi ng dahil saken muntik ko ng patayin ang anak niya ? bakit ? .

" S-sorry po . I'm really really sorry po Tita . H-hindi ko naman po talaga ginusto na itulak si Aiden e , h-hindi po talaga Tita . So-sorry po " sabi ko sa gitna ng paghikbi habang umiiling pa . Hindi ko siya magawang hagkan ng yakap pabalik dahil wala akong karapatan .

" H-hindi Iha " ramdam ko na umiiling iling ito sa balikat ko . Err ? anong sinasabi niya ? " Ako ang dapat  humingi ng tawad sa'yo sa ginawa ko sa'yo noon Iha . Dapat pinakinggan ko ang paliwanag mo , lalong lalo na si Kendrick . Hindi kita dapat sinigawan noon , hindi dapat kita kinasuhan "

" Hi-hindi po Tita ... T-tama lang po iyon , nang dahil po saken muntik ng mamatay si Kent , nang dahil saken muntik ng mamatay ang anak ninyo . Kaya bagay lang po saken iyon , I deseved that Tita , I deserved it "

" N-no Iha , w-wala kang kasalanan okay ? " ramdam ko na hinaplos nito ang buhok ko na nakapuyod " Aksidente ang lahat , aksidente mong naitulak si Aiden noon , dahil aksidente ring naapakan ng kalaro mo ang sintas ng sapatos mo habang nakikipaghabulan ka sa kanya . Wala kang kasalanan Iha , kaya sana mapatawad mo ako " she cupped my face at tumitig sa dalawa kong mga mata . Pareho kaming maga ang mga mata dahil sa luha , kitang-kita ko rin sa kanyang mga mata na sensirado ito sa kanyang sinasabi .

" Tita , pero-- "

" Ang mahalaga maayos na ang lahat , nalinawagan na ako at higit sa lahat buhay si Kent , buhay ang anak ko Iha "

" Pero Tita si Kent , baka po layuan niya ako Tita , baka kamuhian niya ako kapag nalaman niya na ako ang dahilan ng naging paghihiwalay niyo noon ni Tito at ng muntik niya ng ikamatay noon " hindi ko parin mapigilan ang sarili ko na hindi maluha . Oo napatawad na ako ng kanyang Mommy , pero mapapatawad niya kaya ako ? hindi ba ayaw niya na akong kilalanin ? hindi ba yun ang sinabi niya ? .

" Matagal ko ng alam Coreen ! " parang biglang sumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang boses na iyon . Napahinto ako sa pag-iyak , umalis narin sa tabi ko si Tita .

Ito na ba talaga ang huling pagkikita naming dalawa ? ito na ba ang pinakahuling magiging kaibigan ko siya ? Ito na ba ang huli ? ito na ba ?

" Mommy , pwede niyo po ba kaming iwan na dalawa ? "

" Sure baby " rinig ko na ulit ang pagsarado ng pinto . Now what ? anong gagawin ko ? Kung lumuhod kaya ako para mapatawad niya ako ? wala naman sigurong mawawala kung gagawin ko iyon hindi ba ? . Magpapakababa na ako para matapos na ito .

" Coreen " rinig kong tawag niya saken nung lumuhod ako sa pagkakaupo ko " Ano bang ginagawa mo ? tumayo ka diyan " hindi ko siya pinakinggan . Patuloy naman sa pagtulo ang mga luha ko .

Iniangatan ko siya ng tingin , kita ko sa kanyang mukha na nag-aalala ito saken . Pero bakit ? bakit siya nag-aalala saken kung ako naman ang dahilan kung bakit nabingit ssiya sa kamatayan noon .

" A-anong ginagawa mo ? bakit hindi mo ako sigawan ? sampalin ? sipain ? " walang kurap na sabi ko habang sa kanya lang ang tingin ko .

" Anong sinasabi mo ? bakit ko naman gagawin sa'yo ang mga sinasabi mo ? "

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon