ABatA5G#75
Coreen's POV
Napapangiti ako habang naglalakad sa open ground habang nakikinig sa mga studyanteng pinag-uusapan kung sino ba kila Jace at Braggy ang iboboto . Yes ! Hindi ako nagkamali sa kanila . Haha . Gagawin ko naman yung premyo na sinabi sa kanila e , kaya wag silang mag-alala . Alam niyo ba kung ano iyon ? secret muna walang clue para masaya haha . Papayag naman siguro yun , haha . Basta malalaman niyo rin pagkatapos ng prom ^_^ .
" O ? si Leslie nasaan ? " tanong ko sa kanilang lima ng makarating ako sa cafeteria .
" Oo nga , hindi naman iyon nag-a-absent hindi ba ? " - Xierra
" Nakalimutan mo na ba Coreen ? " napakunot naman ang noo ko sa sinabing iyon ni Kent ,
" Ang ano ? " inirapan naman niya ako kaya tumalim ang tingin ko sa kanya . Problema nanaman ba nito ? .
" Ngayon na ang simula nang pagsusuyo ni Leslie kay Leeyara " - Ralvin
" ANO ? " pasigaw na tanong ni Xierra . Ako naman napatango nalang . Hindi kasi alam ni Xie at Kate ang napag-usapan namin kahapon , kaya ganiyan siya makareak ngayon .
" Magsyota nga kayo , ang sasakit niyo sa tenga " ngiwing sabi ni Jace , sinamaan naman ito ng tingin ni Xierra .
" Napagdesisyunan na kasi ni Leslie na panagutan si Leeyara at pakasalan . Hindi ko alam kung ano ba ang nagtulak sa kanya para gawin iyon , pero masaya ako dahil ginawa niya iyon " nakangiting sabi ko , napatango nalang si Xie .
Nagkwentuhan lang kami ng kwentuhan doon hanggang sa magkahiwalayan nanamn kami dahil class hour na . Hay ! Wala naman matinong klase dahil puro prom lang ang topic sa lahat ng subject maging sa calculus . Two days nalang kasi prom na , kaya todo handa na ang lahat maging ang mga gurong nag-aayos ng Prom lalo na ang mga Sc's councilors .
" Reen may date ka na ? " tanong saken ni Celestine na nasa tabi ko ngayon , magkaklase kasi kami this time .
" O-oo , ikaw ba ? " balik na tanong ko , napaurong ako bigla sa kinauupuan ko ng bigla siyang lumapit saken ng malapit at tinitigan ako sa mga mata .
" Talaga ? sino ? " excited na tanong nito .
" S-si K-kent " tipid na sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya .
" We ? maniwala sa'yo " binalingan ko siya ulit at sinamaan ng tingin , kaya inismiran niya lang ako .
" Nagtatanong ka tapos ngayong sinagot ko ayaw mo maniwala ? "
" E hindi naman kasi kapani-paniwala e " lalo ko siyang sinamaan ng tingin " Kung sabagay , hindi na ako magtataka kung isa man sa isang gwapo ang maging date mo , e kaibigan ka ng mga yun e " inirapan ko siya ng dahil doon .
" Hindi naman porke kaibigan ko sila ay ganun na dapat , nangyare lang siguro iyon ay dahil may rason "
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Jugendliteratur[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
