ABatA5G#72
Third Person's POV
Pagkatapos ng pangyayare sa loob ng shop ng K'sRL ay naisipan na ng mga naiwan sa loob na magsiuwian na . Wala ni isa kanila ang nagpansinan o nagkausap man lang , dahil lahat sila ay sabay-sabay na lamang na umuwi na para bang hindi masaisip na nangyare ang mga bagay na iyon na kanilang pinag-uusapan kani-kanina lang .
Wala naman sa sariling umuwi si Leslie sa kanilang mansion at nagdadalawang isip kung magtatanong ba siya sa kanyang Mommy o hindi nalang . Kilala kasi nito ang kanyang Mommy na mabait , walang inaapakan na tao o kahit ano pang masasamang ugali na pwedeng magkaroon ang isang tao o ang mas magandanag sabihin nalang ay ang tingin nito sa kanyang ina ay Perfect Mommy .
'Pero paano kung nagawa nga iyon ni Mommy ? pero bakit ? ! Ugh ! pero napakaimposible talaga dahil hindi ko naman nakikita si Mommy na may inaapakang ibang tao . Maaring nagsisinungaling lang ang babaeng iyon , tulad ng sabi ni Kent kanina , mahirap lamang ang mga ito at imposibling nagsisinungaling lang ito para makakuha ng suntento o ng pera . Tama ! yun nga , tss ! Akala nung Leeyara na iyon maiisahan niya ako ? nagkakamali siya' sabi nito sa kanyang isip bago itinapon ang sarili sa higaan .
" Pero paano kung totoo nga ang sinabi niya ? na anak ko si Violet ? " napabalikwas naman ito ng bangon sa kanyang higaan at napasabunot . " Ughh ! bwisit naman e , nakakagutom pala mag-isip , makakain nga muna " saka ito lumabas ng kanyang kwarto at nagtungo ng kanilang kusina .
Habang busy sa pagagawa ng sandwich si Leslie ay may bigla na lamang sumulpot na isang may katandaang babae , may katabaan ito , mapuputing balat , magandang mag-ayos at napakaganda pa nito kahit ganun .
" Ijo " natigil naman si Leslie sa kanyang ginagawa , nilapitan siya nito ng may katandaang babae at hinalikan sa pisngi " Gusto mo bang ipagluto kita ? " tanong nito
" Ah wag na po Mommy , okay na po ako sa sandwich " tumango naman ito " Ahm.. Mommy buti umuwi po kayo ngayon ? " nbagtungo naman si Vina ( Mommy ni Leslie ) sa ref at kumuha ng malamig na tubig na nasa babasaging pitsel .
" Ayaw mo na bang umuuwi si Mommy kaya ba naitanong mo yan anak ? " nataranta naman doon di Leslie
" H-hindi naman po Mommy , nagtatakha lang po ako " sabay yuko nito at umupo sa stool malapit sa kitchen bar . Lumapit naman si Vina sa kanyang anak at hinaplos ang buhok nito .
" Sorry kung hindi ako laging umuuwi anak , alam mo namang busy ako sa pagpapatakbo ng kumpanya naten hindi ba ? "
" Pero nandoon naman si Daddy , kaya niya naman po iyon kahit wala kayo doon araw-araw e " tumigil si Vina sa kanyang ginagawa at umupo sa tabi ng kanyang anak . Uminom muna ito ng tubig sa kanyang baso bago nagsalita .
" Matagal na kaming wala ng ama mo Leslie , simula nung niloko niya ako " napatigil sa paglamon si Leslie ng marinig iyon , nanlalaking mga mata naman na nilingon niya ang kanyang Mommy .
" What ? wala na kayo ni Daddy ? " hindi makapaniwalang tanong nito " Bakit hindi ko alam ito ? at anong dahilan bakit kayo naghiwalay ni Daddy ? maayos naman ang pagsasamahan ninyo ah ? " naging sunod-sunod na tanong nito na puno ng hinanakit .
" Your Daddy cheated on me at kaya hindi ko nalang ito ipinaalam sa'yo dahil ayokong madamay ka pa sa ayaw namin ng Daddy mo "
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...