ABatA5G#34
Nung araw na iyon , hindi ko alam kung paano nakauwi ng buhay yung si Kent . Sana man lang naki-ayon ang gubat saken hindi ba ? kahit man lang nakatagpo siya kahit isang mabangis na hayop man lang ? o kaya tinuka nalang siya ng malaking anakonda . Hinayupak na yun ! Tss !
" Coreen ! " nilingunan ko naman ngayon si Tita na kakalabas lang ng kusina .
" Po ? "
" Maari pa akong humingi ng pabor sa'yo ? " sabay hawak sa dalawa kong kamay .
" Oo naman po Auntie , kahit ano po 'yan gagawin ko . Pambayad man lang po sa isang buwan na pagtira namen dito sa inyo " nakangiti kong sabi kaya ngumiti din ito .
" Salamat Iha . Maari niyo bang linisin ang buong bahay ? " kumunot naman ang noo ko ng dahil doon .
" Bakit po Auntie ? " takhang tanong ko .
" May mga bisita kasi akong darating bukas , taga maynila ang mga iyon . Okay lang naman Iha kung ayaw niyo , ako nalang gagawa mamaya kapag natapos ako ng maaga sa sakahan "
" N-naku Auntie okay lang po , kami na ng 5 gwapo ang maglilinis ng buong bahay niyo ngayon din "
" Talaga Iha ? maraming salamat "
" Wala po iyon Tita , kulang pa nga po iyon kumpara sa nagastos niyo samen ng 5 Gwapo e " tumango naman si Auntie sa sinabi ko . Nagpaalam na ito na tutungo na ng sakahan na sinang-ayunan ko naman .
Nakangiting tinungo ko ang kwarto ng 5 Gwapo na hanggang ngayon ay mahimbing parin ang mga tulog . Kung sabagay , alas syete palang ng umaga ngayon . Hindi ko na sila ginising ng madaling araw dahil wala naman kaming gagawin o pupuntahan .
Napakawala ako ng tawa ng makita ko nanaman kung ano pwesto nilang lima habang magkakatabing nakahiga sa sahig . Medyo nasasanayan narin nilang matulog sa sahig ngayon , hindi katulad nung mga nakaraang araw na mabibingi ka dahil sa dami nilang inerereklamo sa'yo .
Napangiti ako ng may naalala ako nung una ko silang ginising , ginamitan ko sila ng mahiwagang sandok at mahiwagang kaserola haha . Ano naman kayang magandang ipang-gising sa kanila ngayon ? .
Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid , napangisi nalang ako ng may nahagip ang mga mata ko .
Cellphones ...
Lumapit ako doon at isa-isa ko iyong kinuha . Unang nilapitan ko ay si Braggy , kinuha ko ang phone niya at pumunta sa music buti nalang at high tech ang cellphones nila dahil may timer iyon . Nilagyan ko ng timer , 8 minutes siguro tapos na ako . Ganun din ang ginawa ko sa iba , kahit labag sa loob ko na gawin din iyon kay Kent ay ginawa ko nalang din .
" 5 , 4 , 3 , 2 , 1 "
Sabay-sabay tumunod ang kanilang mga Cellhones na siyang ikinahagalpak ko ng makita ko kung paano sila magsitayo sa kanilang mga kinahihigaan .
" AHHHH ! "
" Hahahahahahaha "
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Roman pour Adolescents[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
