Patakbong tinungo namen ang kusina ng marinig namin si Leslie na sumigaw at may narinig din kaming kumalabog .
“ Anong nangya--- “ naputol ang sinasabi ni Braggy ng Makita namen ang itsura ni Leslie na nakahandusay sa sahig .
“ Hahahahahhaha”
“ Anong ginagawa mo diyan ? “natatawang tanong ni Jace
“ Nagswiswimming , bulag ka ba ? “ Leslie
Natatawa ako ng kumawaykaway pa . Basa ang sahig , kaya ang impak , nadulas si Leslie sa sahig .
“ Ilan isda ang nakuha mo Dude ? “ Kent
“ Sampu , gusto niyo ? “ Leslie
“ No thanks “ iling iling na sabi nung tatlo .
“ Get up there and clean your mess “ Utos ni Ralvin kay Leslie .
Tumayo bigla si Leslie para sumaludo ang kaso naapakan niya yung balat ng saging na siguro ay pinagkainan niya na nakalimutan niyang itapon sa basurahan . Kaya ayun , sumemplang nanaman sa sahig na ikinahagalpak naming lahat .
“ Hahahhahahahaha “
“ Aray~ I hate you all !! “ nakasimangot na sabi ni Leslie habang sapo sapo ang pwet habang patayo ito .
“ Karma . Yan ang napapala ng mga hindi marunong magtapon ng pinagkainan sa tamang basurahan “ ako
“ This time , ilang nakuha mong isda . Marami rami na siguro noh ? “ Kent
Sinamaan lang siya ng tingin ni Leslie na ikinatawa nanaman naming lahat .
“ Waaaa~ PANALO ANG SAN MIG !! “ biglang sigaw ni Braggy habang nakatingin sa TV .
“ NO !! “ Ralvin / Jace
“ YES !!! WOHHOOO! “ sigaw naman nung tatlo .
“ Yea’ gimme da money , gimme gimme “ sabi ni Braggy habang nakapalad sa dalawa habang gumigiling pa . Nagmukha siyang matcho dancer na nanghihingi ng MONEY ! Hahahaha
“ Ang daya ! Kasalanan mo ito Leslie e’ kung hindi ka ba naman kasi lampa , edi sana napanuod naten kung paano natalo ang spurse “ sisi ni Jace kay Leslie
“ Aba ! Kasalanan ko pa ! , e hindi ko naman sinabi na puntahan niyo ako rito “ Leslie
Tumango-tango ako , may point siya . Pwede naman nilang dedmahin nalang yung pagkalabog ni Leslie kanina at pinagpatuloy nalang nila ang panunuod . Pero mga usisero e’ kaya yan ang mga napapala .
“ Everyone . Go to sleep ! “ utos ni Ralvin . Sumaludo naman kaming lahat sa kanya . Nakalinya na naglakad kami patungo sa kwarto . “ Except to you Leslie , clean the mess you make , before you sleep “ Kahit hindi ko nakikita alam kong nakapout na iyon . Pasaway kasi e’ .
--
“ Waaa~ Dalian mong maligo Jace . Malalate na ako !! “ sigaw ni Braggy mula sa tapat ng pinto ng CR .
Naiiling na tinitignan ko sila iisa . Si Ralvin , kahit alam na late na , kalmado lang siyang pumipili ng sapatos na susuotin niya . Si Leslie , busy sa pag-aayos ng buhok niya , iba nanamang style ang buhok na gagawin niya . Si Kent , kanina pa tapos mag-ayos at hinihintay lang yung apat na kasama niya , as usual nakikinig nanaman ng Rock Music . Si Jace , hindi pa tapos maligo , para pa namang babae iyon , isang oras naliligo . At ayun nga si Braggy , kinakalabog na si Jace sa banyo . Hindi pa kasi nakakapaligo e’ , kupad kupad kasing bumangon .
“ Children , oras na !! “ sigaw ko
Nataranta naman si Braggy , hindi na nakatiis at naghilamos nalang at sinuot na ang uniform . Sanay na akong makakita ng hubad na katawan . Biglang dumilim ang paningin ko .
“ Sinong nagpatay ng ilaw ? “ tanong ko habang nangangapa . Ang dilim .
“ Kahit patayin ang ilaw , maliwanag parin dahil maaga na “ rinig kong sabi ni Kent sabay ng pagliwanag ng paningin ko .
“ Ay , akala ko brownout na . Bakit mo ba ako tinakpan sa mata ? “ kunot noong tanong ko .
“ Hindi maganda sa isang babae na nakatingin sa lalaking nakahubad “ Kent
“ E ? ano naman ? e sanay naman na ako “ sabi ko sabay pulot ng brief na nakakalat sa sahig . “ Kanino naman brief ito ? “ sabay taas ko ng brief na hawak ko .
“ Waaa~ akin yan !! “ namumulang hinablot saken ni Braggy yung hawak ko . Natawa nalang ako at tinalikuran siya .
“ Napakaburara mo talaga “ pahabol ko bago umalis sa kinatatayuan niya .
Maya-maya lang , isa-isa na silang lumabas ng apartment . Ako naman nagsimula ng maglinis dahil nagkalat na ang mga gamit nila kahit saan , like nalang ng Brief ni Braggy na hindi man lang tinabi ng kinuha niya sa akin yon . Burara talaga . Napalingon ako sa pintuan ng biglan g bumukas iyon .
“ I’ll pick you here later , Bye ! “ Kent , sabay sarado ng pinto .
“ Anong nakain nun ? “ takang tanong ko habang nakatingin lang sa nakasarang pinto . Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa kong paglilinis .
Pagkatapos kong naglinis . Inihanda ko na ang ggamitin kong damit na gagamitin ko na pang PE mamaya . Isang maluwang na t-shirt na puti at isang jogging pants na kulay blue . Regalo saken ito ni Ralvin nung Birthday ko . May nakaukit pa ito na pangalan ko kaya walang kaligaw .
8:00 am na , kaya pumasok na ako ng CR at naligo . Mga 30 minutes lang akong naliligo . Wala anamng magbabago saken kung maliligo ako ng matagal e’ still the same parin naman at walang pagbabago .
Lumabas na ako at saktong 8:30 na ‘ see ? 30 minutes exact . Pumunta na ako ng kwarto ko at doon na nagbihis , pagkatapos , ipinuyod ko na ang buhok ko kahit na basa pa ito . Hindi ako mahilig ilugay ang buhok ko dahil naiinitan ako at ayokong may tumatabing na buhok sa mukha ko dahil naiirita ako . Kinuha ko ang ballcap na nakasabit sa dingding at sinuot iyon . Tumapat ako sa salamin at nag thumbs up . Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa sala para suotin yung Rubber Shoes na bigay naman ni Braggy saken . Yung BallCap pala si Jace ang may bigay nun , I know puro bigay noh ? e sa mapilit sila kaya tinatanggap ko nalang , para hindi sila magtampo saken , lagi ko nalang silang ginagamit .
Tumayo ako ng tapos ko ng masuot yung sapatos kasabay ng may bumusina sa harapan ng bahay , Si Kent yun for sure . Kinuha ko na yung back pack ko at lumabas na ng Apartment .
~~~~~~
Braggy Winton po sa side >>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...