ABatA5G#40

7.9K 334 18
                                    

ABatA5G#40

 Coreen's POV

   Nasa sala kami ngayon sa Apartment , kaming lima ay tutok na tutok ngayon sa isang lalaking masama ang ibinibigay saming tingin . Walang iba kundi si Jace Smith .

Kakauwi lang kasi nito galing sa date nila ni Kate . Yieee~ sa wakas at sa dami ng taon na lumipas nagkasundo rin ang dalawang yun .

" Mag kwento ka naman diyan Pre " - Leslie

" Oo nga , anong balita ? " - Coreen 

" Kayo na ? " - Kent

" Sinagot ka na ? " - Ralvin

" Itatanan mo na siya ? " - Braggy

Napatingin kaming lahat kay Braggy ng sabihin niya iyon . Mabilis naman siyang binatukan ng malakas ni Jace .

" Sira ulo "

" What ? , aalis na siya bukas hindi ba ? at baka hindi na bumalik pa gaya ng sinabi mo Coreen . At kung sila na nga ngayon , dapat gumawa na yan ng paraan para hindi sila magkalayo . Ang hirap kaya ng Long distance Relationship noh ? " walang umimik saming lima ng sabihin iyon ni Braggy . Kumurap kurap pa ako ng ilang beses para makumpirmang si Braggy nga ang nagsasalita , pero tungunu si Braggy nga . Pero paano niya yun nasabi ? alam ko puro kalokohan lang alam nito e .

" May experience ka na ba sa ganyan Pre ? " biglang tanong ni Leslie , nagtakha kaming lahat ng biglang umiwas ng tingin si Braggy samen " Sheez ! Bakit wala yata kaming alam diyan ? "

Napatango ako , sa tagal kong naging kaibigan si Braggy hindi ko alam na meron siyang naging Gf at LDR sila . Kelan kaya yun ? . Wala talaga akong maalala na naging Gf nito e .

" Ang isang Braggy Winton na loko-loko ay may naging ka LDR noon at hindi namen alam lahat iyon ? wth~ who's that blind girl at ng maibili ko siya ng mata " - Leslie

" Ako na bahala maghanap ng magdo-donate " - Jace

" Magtatanong nalang ako sa Tita ko na Doktora Pre " - Kent

" Marami sa kanto , wag na kayong magpagod " - Coreen

" Bumili nalang kayo ng salamin , malabo lang mata nun " - Ralvin

" Mga Pre naman e , ansama-sama niyo saken " nakangusong sabi ni Braggy kaya kaming lima ay natawa na lamang sa kanya .

" Pero seryoso Pre , sino yun ? bakit hindi mo man lang ipinakilala samen ? " natatawa paring tanong ko , Hindi ko kasi mapigilang hindi matawa . Hindi ko naman kasi aakalain na ang isang isip batang katulad ni Braggy ay nagkaroon na ng Gf noon .

" Wag niyo ng itanong atsaka bakit pala saken napunta ang topic ? hindi ba na kay Jace at Kate tayo at nakikibalita ? " - asar na sabi ni Braggy habang napapakamot pa sa kanyang ulo .

" Mas nakakaintriga kasi yung sa'yo Pre e " - Jace

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon