ABatA5G#31
Maago kong ginising ang limang gwapo . Alas singko palang ng madaling araw ng gisingin ko ang mga ito . Nagsitayuan naman sila agad , hindi tulad nung una na ginising ko sila parang ayaw nilang magsi-tayo . Pero kita mo naman ngayon :)
Hinagisan ko sila ng tag-iisang sweter na hiniram ko pa kay Tito Naldo na siyang asawa ni Auntie Alix at Ama ni Insan Ardainne . Buti nalang at maraming extra si Tito kung hindi ...
baka walang isuot ang mga ito at kung anu-ano nanaman ang suotin -_- .
" Ano ito Coreen ? " - Jace
" Ewww ! Walang ka style-style naman ng damit na'to ! " - Braggy , sabay hagis ng damit .
" Damit ito ng kapitbahay namen e " - Leslie
Napapailing nalang ako na pinulot ang sweter na inihagis ni Braggy . Tinignan ko ang dalawa pa na nakatingin lang sa hawak nila , tinaasan ko silang dalawa ng kilay ng mapatingin sila saken .
" Wala kayong sasabihin ? " umiling silang dalawa . Huminga naman ako ng malalim at binalingan ng masama yung tatlong reklamador . Nakita ko namang napaatras sila sa kinatatayuan nila . Mabilis namang kinuha saken ni Braggy ang pinulot kong sweter niya .
" Mag-aani tayo ng mais , kaya kailangan niyong isuot yan . Baka kung anu-ano nanaman kasi isuot niyo . Mag-aani kayo hindi pupunta ng Fassion Show " nakarinig naman ang ako ng mga hagikgik , pagtingin ko sa likuran ko ay nakita ko doon ang mga pinsan ko .
" E bakit kailangan ganito kahaba ? " ani Leslie sabay taas ng hawak niyang sweter na kulay blue .
" Oo nga , pwede namang t-shirt diba ? " - Jace
" Atsaka , ang laki-laki nito Coreen , mainit din sa labas , kaya bakit mo kami pinagsusuot ng mahaba ang manggas , balak mo ba kaming patayin ? " - Braggy
" Ang pag-aani ng mais ay hindi madaling gawain , at kaya tayo pinapasuot ng ganito kahabang damit ni Coreen ay para maiwasan naten ang mainitan , mangati at umitim . Hindi ba Coreen ? " magniningning na sana ang mga mata ko ng dahil doon kaso wag na , baka makahalata pa ang mga ito at mabuking at hindi dapat mabuking .
" Tama , pero may kulang ka sa sinabi mo Ralvin " kumunot naman ang noo nito . Magsasalita na sana ako ng biglang magsalita si Kent na ngayon ay suot na ang sweter na ibinigay ko , kulay Grey naman ang kanya .
" Para narin maiwasan naten ang pagkakaroon ng sugat dahil sa matatalim na dahon nito " napaawang ang bibig ko ng dahil doon . Paano niya kaya nasabi iyon ? . Nagkasalubong ang kilay nito at isa-isa kaming tinignan " What ? "
" May experience ka na ba sa ganito Kent ? " - takhang tanong ni Braggy . Ganun din sana ang itatanong ko e , napapansin ko rin kasi na prang sanay na sanay na siya sa mga gawain na ganito at alam na alam niya na ang lahat . Hindi ito sumagot bagkus ay tinalikuran niya lang kaming lima at lumabas na ng bahay .-_- may topak nanaman .
-
Tirik na tirik na ngayon ang araw dahil mag-aalas dose na ng hapon , pero patuloy parin kami sa pag-aani ng mais . Ngayon araw na kasi nito ay kailangan ng maani ang lahat ng mais para maibenta na agad sa palengke .
" Grabe ang init ! " rinig kong reklamo ni Braggy habang may hawak-hawak na isang sako kasama si Jace na siyang naglalagay ng inaning mais doon .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Jugendliteratur[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
