ABatA5G#71

5.2K 158 20
                                    

ABatA5G#71

Coreen's POV

Ibinaliktad namin ulit ang placard na close , nakaupo kaming lahat habang si Leslie naman ay kandong-kandong nito ang batang babae na nagngangalang Violet .

Hindi ko maiwasang maghinala sa kanila sa tuwing tinititigan ko silang dalawa . Imposible kaya ? pero paano ? . Wala naman akong natatandaan na nagkaroon ng girlfriend itong si Leslie , puro kaya sa pagkain nakatuon ang pansin niyan -_- kaya imposible ! But how come na may pagkakahawig silang dalawa ? the way they look , the way they talk and also the way they smile . Kapag nakikita ko si Violet ay nakikita ko sa kanya ang batang Leslie na unang nakilala ko noon .

" Where's your Mommy , Baby ? " tanong ni Kate , ngunit hindi ito pinansin ng bata at patuloy lang ito sa pag-inom ng milk shake .

" Baka hindi nakakaintindi ng english Insan , tagalugin mo kasi " tumango naman si Kate sa ideyang iyon ni Xierra .

" Nasaan ang Mommy mo Baby Violet ? " pag-uulit na tanong ni Kate , ngunit hindi parin ito sinagot ng bata " Ughh ! Ayaw namang sumagot e , ikaw nalang kaya Leslie , tutal anak mo naman yan e " - Kate

" H-hoy ! Hindi ko anak to ha ? " - Leslie

" Oo nalang , tanungin mo na yang bata para maibalik na naten siya sa kanyang Mommy " - Kate

" Baby , nasaan ang Mommy mo ? " nabigla kaming lahat ng biglang sumagot si Violet .

" Ti ko po lam " pagtapos nun ay uminom nanaman ulit ito sa kanyang milk shake .

" Ano raw sabi ? " - Braggy

" Hindi daw niya alam " sagot ni Leslie

" Wow ! Naintindihan mo yun Pre ? o baka ikaw naman talaga ama niyan kaya ganun ! " - Jace

" Manahimik nga kayo " - Leslie

" So kung hindi niya alam , saan naten hahanapin ang Mommy niyan ? " - Kate

" I think , makakatulong si Tito dito " - Kent

" Good idea Kent " - Braggy

" How old are you Baby ? " muli namang nabalik ang tingin ko kay Leslie at kay Violet . Humarap naman yung bata kay Leslie at ipinakita ang kamay nito " Three ? " tumango yung bata . Napaisip naman ako dun , three years ago ? kung tama nga ang hinala ko ... OMG ! Hindi kaya O.o sheezlingcake ! Anak nga ni Leslie ang batang ito .

" Sh*t ! " wala sa sariling napamura ako , nakita ko namang tinakpan ni Leslie ang tenga nung bata .

" Coreen mouth ! " saway naman saken ni Ralvin kaya napatakip agad ako ng bibig ko . Bad mouth ! >'< kahiya TT^TT .

" Anong problema Coreen at bigla ka nalang napamura diyan ? " takhang turan ni Braggy .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon