Kasalukuyan na akong nagbibilang ng mga naipamenta ko ngayon na ballot . Oo , ubos na ang paninda ko . Bakit ? kasama ko lang naman ang 5 gwapo . Paano ba naman kasi , ginamitan ng mga lalaking ito ang charms nila para mang-akit ng babae . Kahit hindi naman nila gawin yon , nakakaakit na sila e’ . Lalo na si Ralvin , kahit na babaero .
“ Thank you sa inyo mga Pare . Da best talaga kayo “ sabi ko habang inihahampas ang pera sa lamesa .
“ No prob Coreen . Ano sama ka na ? “ Leslie
Ito pala ang consequence nila kanina . Ayoko ng mag FlashBack dahil ang sakit lang nila sa utak .
“ Oo . May magagawa pa ba ako “ tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumasok na sa loob ng bahay . Hinanap ko yung magaling kong ama-amahan .
“ Heto na po yung Pera “ sabay lapag ko sa harapan niya .
Nagtatakang nakatingin ito sa akin .
“ Ang aga mo naman yata ? “ tanong niya ng nakatawa , sabay dampot ng pera sa lamesa .
“ Wala na po kayo doon , paalala lang po . Hindi lang po sa inyo yan , bigyan niyo rin po ng panggastos si Inay at ang mga kapatid ko “ habilin ko sa kanya
“ Oo naman . Ako na ang bahala sa mga kapatid at nanay mo “ sabi niya habang may nakakalokong ngiti sa labi . Naiiling na tinalikuran ko na siya “ Saan ka pupunta ? “ tanong niya . Nilingon ko siya . Kailan pa siya nagkainteres kung saan ako pupunta ? .
“ Makikitambay lang po sa mga kaibigan ko “ hindi ko na siya hinintay pang magsalita ay tuluyan na akong lumabas ng bahay .
Hinarap ko ang mga kaibigan ko na nakatingin lang saken .
“ Bakit ? may dumi ba ako sa mukha ? “ takang tanong ko . Pinunasan ko naman yung bibig ko , wala naman akong amos . Atsaka paano ako magkakaamos e hindi pa naman ako kumain .
“ Ganiyan ka aalis ? “ tanong ni Jace saken , sabay turo sa suot kong damit . Ano namang problema sa damit ko . Tumango ako sa kanya .
“ Oo , ano namang masama sa damit ko ? “ tanong kong muli .
“ Ah! Wala , let’s go Guys . Coreen kay Kent kana sumabay “ Leslie
-________- Bakit lagi nalang sa kanya ? . Hindi ba pwedeng kay Ralvin naman paminsan minsan ?? Ayts! Bakit ba lagi niyo nalang akong itinutulak kay Kent , bakit sa bakulaw pa na ito ? bakit ? baki----
*BEEP*
“ Ay anak ng bakulaw ! “
“ Coreen ! , sasama ka ba o hindi ? “ Kent
See ? Waa~
“ Sasama na . Nagmamadali ? nagmamadali ?? may lakad ? may lakad ? “ nagdadabog na naglakad ako papunta sa sasakyan niya . Pansin ko lang , suki na ako ng passenger seat na ito . O baka hindi lang ako , imposible namang wala pang naisasakay si Kent dito sa mga naging exes niya noh ? .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Teen Fiction[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
