Im Coreen Cornwell . Isang malasigang babae na mahilig magsuot ng maluluwang na mahabang short na lagpas hanggang tuhod at damit na medyo maluwang na jersey . Laging nakatali ang mga buhok ko gamit ng mga goma at lagi akong may suot na ball cup . Mahilig din akong mag suot ng rubber shoes . Lagi kasi kaming nag babasketball ng mga kaibigan ko . Nanggaling ako sa isang mahirap na pamilya , magulong pamilya , wasak-wasak na pamilya . Ang lungkot ng buhay ko noh ? . Pero no ! Diyan kayo nagkakamali .
Naging Masaya ang buhay ko kahit ganun ang dinaranas ko sa pamilya ko . Dahil , meron akong mga KAIBIGAN na laging nandiyan para sa akin . Mga 7 years old ako non ng sabay sabay ko silang makilala sa isang araw , hindi po sabay-sabay talaga , nagkataon lang na sa iisang araw ko talaga sila nakilalalng lahat . Sa iba’t ibang lugar na hindi ko inaasahang may masamang mangyare sa akin . Simula nung mga pangyayare na iyon , lagi na silang nasa tabi ko . Pinagtatanggol ako sa tuwing may mga nambubully saken . Sila na rin ang naging inspiration ko para makapag-aral .
Gusto niyo silang makilala ?? Ok !
RALVIN KING – si Ralvin ang pinaka matanda sa amin . Siya ay , Gwapo , macho , mayaman , palangiti , matulungin , word of wisdom , mahilig sa noodles , mahilig mag laro ng basketball at higit sa lahat ‘ hindi mo matatanggal sa kanya ang pagiging babaero . Sa isang lingo yata 5 babae ang nakakasiping niya ’ , chossy pa e noh ? bakit hindi niya pa ginawang 7 nahiya pa . Anyway , siya ang una kong nakilala sa kanila . Nakilala ko siya noon nung muntikan akong manakawan ng isang bata sa palengke noon ng pinamalengke ako ng balahudas kong ama-amahan . Siya ang tumulong sa akin para makuha ang nanakaw sa akin noon . Kung hindi lang ako tinulungan ni Ralvin noon , baka bugbog ang abot ko sa ama-amahan ko kapag nalaman niya na nanakaw yung pinapabili niya .
BRAGGY WINTON – Siya naman si Braggy , ang pinaka maingay na nakilala ko sa kanilang lahat . May pagkamakulit din siya , isip bata . Kapag hindi niya nakuha ang gusto niya , iiyak siya ng parang bata at take note wala itong pinipiling lugar , kahit saan nangawa ang loko . Gwapo , mayaman, mahilig sa footlong , mahilig mag suot ng fit na sando , kaya lahat ng babae naglalaway sa tuwing dumaraan siya sa harapan nila . Siya naman ay tinulungan ako nung bata ako , nung gusto akong sabunutan nung mga bruhilda kong kaklase ,tinakot niya ang mga iyon na kapag inaway pa nila ako , ipapakain sila sa buwaya na alaga nila sa bahay , natakot naman yung tatlong bruhilda at umiiyak na umalis . Nung una natakot ako sa kanya na baka ako naman ang ipakain niya . Pero hindi , dahil wala naman daw silang buwaya sa bahay at tinakot lang daw yung tatlo .
JACE SMITH – Si Jace naman ay isang Haciendero na loko-loko . Hindi marunong mag seryoso sa isang bagay , walang alam sa salitang LOVE na nararamdaman na ng lahat . Magkakaroon na yata lahat kami ng asawa kapag tumagal , siya wala paring alam -__- . Kaya nagbabalak ako diyan kung anong maari kong gawin para makaramdam naman siya . Gwapo , may pagka masungit na parang laging meron dalaw , pero sa ibang girls lang , yung mga nagkakandarapa sa kanya . Mahilig siyang kumain ng French Fries ng jollibee , mahilig din siyang tumugtog ng gitara , tahimik minsan , pero may pagka abnormal naman pagdating sa mga kaibigan niya . Nakilala ko naman si Jace noong muntik na akong mahulog sa puno . Actually nahulog talaga ako sa puno , nasalo lang niya ako . Pinagalitan pa nga ako nun e’ dahil sa kanila ang punong manga na inukyatan ko . Malay ko bang siya yung haciendero na sinasabi nila .
LESLIE SHELDON – Si Leslie , isa siyang anak ng pulis at nurse . Siya naman yung tipong lalaki na may pagka mahangin , pero hindi na ako tututol sa kanya dahil may tama naman lahat yung sinasabi niya tungkol sa sarili niya , pero nahahanginan parin ako . Tulad nalang na , gwapo siya , charming , habulin ng babae . ( Oo , tama yun , habulin nga siya ng mga babae , bakla at tomboy . Maging aso sa kapitbahay namen hinahabol siya . O diba ? )Mahilig siyang mag alis ng pang-itaas kapag kami kami lang . Hindi ako naiilang , sanay naman na kasi ako . Mainit daw e’ . Mahilig naman siyang kumain ng kumain ng kahit ano . Sa isang araw , hindi siya pwedeng hindi kumain ng limang beses sa isang araw . Almusal , break , lunch , meryenda , hapunan at midnight lunch not snack . Takaw e noh ? . Nakilala ko naman si Leslie noong muntik na akong masagasaan ng tricycle , buti nalang nahablot niya ako sa damit ko , kundi tegi ako ngayon .
KENT BEVAN – Si Kent naman , kapitbahay namen . Ayoko nga sa lalaking yan e’ bakit ? , malay ko din kung bakit . Nayayabangan kasi ako sa kanya . May malaki silang bahay kesa samen , para nga lang tindahan ang bahay namen kung Ibabase mo sa tinitirahan nila , Mayaman kasi . Ito naman , laging tahimik , mahilig makinig ng rock music sa headphone niya . Lagi ding tulog , daig pa ang naglilihi . Mahilig siyang kumain ng street food , na pinaka paborito ko rin , manggagaya yun ng paborito e’ . Pero siyempre , vibes kami , kaibigan na kami ngayon e’ . Nabaitan ako sa kanya noong tinulungan niya akong maiahon sa bangin noon nung muntikan na akong mahulog . Oo bangin , medyo may kabundukan din kasi yung pinuntahan ko nung fieldtrip yun , tumakas nga lang ako e .
Silang lahat , natulungan nila ako sa iisang araw . Isang araw akong may sumpa yata nun . Lagi nalang disgrasiya ang nangyayare saken . Sinumpa yata talaga ako e’ , pero mabait naman ako , matulungin , maunawain . Kaya bakit ako isusumpa ? at sino namang susumpa saken ? . Pero hindi ako nagsisisi na nangyare ang lahat ng iyon sa akin . Dahil kung hindi nangyare iyon , wala sila ‘ wala akong mga KAIBIGAN na tulad nila .
~~~~~~~~~~
Abangan niyo po silang lahat :)
![](https://img.wattpad.com/cover/20631181-288-k83551.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...