ABatA5G#46
Coreen's POV
Naglalakad ako sa hallway ng hospital ng may biglang humatak saken at niyakap ako . Hindi ko na inintindi kung sino iyon at inilabas ko nalang ang mga luha ko na kanina ko pa itinatago .
Nasasaktan kasi ako na makita ko ang mga kaibigan ko na nagkakaganun . Hindi ko maatim na ganun sila kaya nagawa ko iyon . Alam kong mali ang ginawa ko dahil sa mata ng lahat dapat si Braggy ang iniintindi ko dahil siya ang iniwan at hindi si Xierra . Pero hindi ko maitanggi sa sarili ko at sa mga nasaksihan ko na may kasalanan din si Braggy .
Hindi niya inintindi si Xierra , hindi siya nakinig dun sa tao kahit anong paliwanag niya . Pinairal niya ang galit niya , pinairal niya ang dapat hindi pinairal .
" Shhh . Maayos din nila ang lahat Coreen , intindihin muna naten sa ngayon si Braggy . Alam ko na kahit napakasayang tao ni Braggy kapag nasa harapan niya tayo ay may lungkot paring itong dala sa tuwing nag-iisa na siya . Hindi man niya ipakita iyon pero pansin ko . Hindi lang ako nagsalita dahil alam ko naman sa sarili ko kaya ganun siya ay may problema siyang dinadala . Hindi ko na siya pinakialaman pa dahil ayokong manghimasok sa buhay niya lalong lalo na sa problema niya lalo't wala naman akong alam kahit na kaibigan pa niya ako " natigilan ako sa sinabi ni Ralvin sa pag-iyak . Naisip ko yung mga panahon na kasama ko si Braggy na laging masayahin . Naalala ko yung nakita ko siya last year sa likod ng building at nag-iisa . Akala ko napakaliit lang ng problema niyang iyon dahil pagkatapos ko siyang makitang malungkot doon ay masaya na siya nung naging kasama na namen siya .
Napaka wala kong kwentang kaibigan para hindi iyon mapansin sa isang taong katulad niya na masayahin .
" Hindi naten maiaalis sa isang tao na mapangunahan sila ng galit , lahat naman tayo e . Lahat tayo napapangunahan ng galit lalo't lalo na kung napakasakit nito " ramdam ko na hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at tinitigan ako nito sa mata " Hayaan na muna naten si Braggy na makapag-isip , okay ? " tumango naman ako . Nakita kong papalapit ang labi nito sa noo ko kaya pumikit ako , pero bago a man din iyon mangyare ay may pumigil na .
Nag-init naman agad ang ulo ko . Ayun na e , makakaskor na'ko e . Tss !
EPAL talaga nito kahit kailan .
" Buti nandito lang kayo , nagpapabili kasi ng pagkain si Braggy " sabi nito habang papalapit samen . Binitawan naman ako ni Ralvin .
" Si Braggy ba o si Leslie ? " natatawang tanong ni Ralvin , pero ako hindi natawa dahil seryoso lang akong nakatingin kay Kent .
" A--ah both ! "
" Bakit hindi nalang ikaw ang bumili ? " magpagka-inis na tono ng boses ko .
" Tinatamad ako bakit may-angal ka ? " at ganun din ang ginawa nito . Binigyan ko naman siya ng matalim na tingin at ganun din ito saken kaya magkasukatan na kami ng matatalim na tingin ngayon .
" Hey hey hey ! Baka magkatunawan kayo niyan , sige na Kent . Kami na ang bibili ng pagkain ni Coreen "
Nauna naman akong inalis ang tingin ko sa kanya kaso pairap . Kainis ! Kahit kailan napaka-EPAL mo talaga KENT BEVAN !
" Okay " yun nalang ang tanging sinabi niya at tinalikuran na kaming dalawa . Grr ! Kaasar !
-
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Jugendliteratur[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
