ABatA5G#38
Maaga akong sinundo ni Kate sa bahay namen . Mga 9:30 am siguro . Papunta kaming dalawa ngayon ni Kate , gusto kasi muna nitong libutin ang buong SM , baka daw kasi sa ibang bansa ay walang ganito kaya susulitin niya na ang pamimili at paglilibot .
" Salon muna tayo Coreen " nakangiting sabi ni Kate habang nakasakay kami ng escalator . Tumango nalang ako .
" Ipapaayos mo ba yang buhok mo ? " tanong ko at tinignan ang dulo ng escalator , baka kasi matakid ako may pagka shunga pa naman din ako pag dating sa mga ganito .
" Yhup ! Papakulayan ko narin ng Blonde siguro , ganun naman uso sa ibang bansa e "
" Luhh' talaga bang paninindigan mo na ang pagiging isang amerikanang hilaw mo ? " natawa naman siya sa sinabi ko kaya natawa nalang din ako.
" Sira ! " sabay hampas sa braso ko " Makikiuso lang naman ako , yun naman ang ugali ng mga pilipinong katulad naten e . Sumasabay sa uso " tumango-tango nalang ako . Huminto kami sa isang salon , pinagbuksan naman kami agad ng lady guard na nasa tapat ng glass door . Infinity salon ang pangalan ng pinasukan namen .
" Ano ang sa aten mam ? " tanong ng isang lalaki , but i think bakla siya dahil sa galaw at pananalita nito .
" Hair cut at magpapakulay narin ng buhok " sagot ni Kate na ikinatango nung parlorista .
" Anong gupit Mam at anong kulay po ang gusto ninyo ? "
" gusto ko sana , gupitin mo ang buhok ko hanggang balikat at blonde ang gusto ko " tumango-tango ulit ito . Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng mapatingin saken yung parlorista .
" E siya po Mam ? " sabay turo saken nito na ikinasunod naman ng tingin ni Kate . Nabigla ako ng bigalng hawakin ni Kate ang buhok ko at umikot pa sa likuran ko .
" Maraming split ends ang buhok mo Coreen " rinig kong sabi nito .
" Ah ... oo nga e , pero hayaan mo na . Hindi naman halata "
" Nope di pwede yan ... siya rin po Kuya ay .. I mean Ate ganda " nanlaki ang mga mata ko na hinarap si Kate " Please ? " at nag puppy eyes pa ito sa harapan ko . Napabuntong hininga nalang ako at tumango kahit labag sa kalooban ko " Kyaaa! Thank you Coreen ! " at sinunggaban na ako nito ng yakap .
Naghiwalay lang kami sa pagyayakapan ng mag 'ehem' . Pinaupo na kaming dalawa ng mga n akatoka samen na manggugupit . Ngayon ay sa salamin na kami nagtitinginan ni Kate . Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko ito na titig na titig saken at nakapoint ang pointer nito sa kanyang baba . Not again Kate .
" I think mas maganda rin kung kulayan naten yang buhok mo Coreen " magrereklamo na sana ako at sasabihing ayoko pero huli na ang lahat " Ate ganda pakulayan naman po ang buhok niya ... I think mahogani is fits to her hair " napakawala nalang ulit ako ng buntong hininga at hinayaan nalang ito . Kung hindi lang talaga siya aalis hindi ako papayag , kelan pa nagpakulay ng buhok ang isang Coreen Cornwell ? .
Napatingin ako sa ibaba ng maramdaman ko na may tumausdos sa paa ko . Gusto kong magiiyak at mag luksa ng dahil sa nakita ko . Pero hindi ko ginawa dahil baka pagtawanan lang nila ako't isipin na baliw pa ako . Paalam sa iyo mahaba kong buhok .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Ficção Adolescente[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...
