ABatA5G#49

6K 185 7
                                    

ABatA5G#49

[ Third Person's POV ]

Tahimik ang lahat habang nasa biyahe ang 5 gwapo at si Coreen . Si Jace ang nagmamaneho habang nasa tabi naman nito si Coreen na hindi mapakali sa kanyang kinauupuan at panay ang tingin sa kanyang orasan . Malapit na kasing mag-alas otso ng umaga . Napatigil ito ng makaramdam siya ng may humawak sa kanyang braso , pag-angat niya ng tingin ay ang nakangiting si Ralvin ang kanyang nakita .

" Malapit na tayo Coreen , wag ka ng mag panik okay ? " tumango-tango naman si Coreen at pilit na ngumiti sa binata .

" Pre malayo pa ba tayo ? tae naman oh ! Malapit ng mag-alas otso ! Dalian mo naman sa pagmamaneho ! " - Braggy . Kung panik lang ang kay Coreen ang kay Braggy naman ay sobrang panik na panik . Doble kasi ang nararamdaman nito sa nararamdamang pagpapanik ni Coreen dahil siya ang mawawalan kapag hindi sila agad nakaabot sa NAIA .

" G-go ! Kapag binilisan ko pa ang pagmamaneho , baka mahuli tayo ng pulis at kapag nangyare iyon , mas lalong hindi pa naten maabutan nito si Xie ! " - Jace

" Pero wala ng oras ! Magpahabol nalang tayo ! Ano nalang silbi ng Tito ni Kent na Chief hindi ba ? " - Braggy

" Wag mong idamay ang Tito ko sa kalokohan mo Braggy " - Kent

" Hindi ako nakikipaglokohan Kent , seryoso ako sa sinasabi ko ! Wala na tayong oras ! " - Braggy

" Fine ! Fasten all your seatbelts ! Leslie , humawak ka ng maigi sa likod " - Jace

" Oo naman ba ! " - Leslie

" 1 , 2 , 3 GO ! " sabay paharurot ng mabilis ng kotse ni Jace . Hindi naman nagkamali ang binata dahil agad na merong nakasunod sa kanila na kotse ng mga pulis na ngayon ay nagwa-wang-wang na " Sh*t " - Jace

" Don't stop Jace ! Just drive ! Tatawagin ko nalang si Tito " tumango ang binata at pinagpatuloy ang pagmamaneho ng mabilis . Buti nalang at hindi traffic sa edsa kundi napaka hassle ng daan at hindi sila makarating agad sa NAIA .

Mabilis namang kinuha ni Kent ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at dinial ang number ng kanyang Tito na isang Chief . Ilang ring palang ay sumagot agad ito .

" Tito , hinahabol po kami ngayon ng mga pulis "

[ What ? bakit ? anong ginawa mo bang kabulastugan Kent at hinahabol kayo ? makakarating ito sa Daddy m-- ]

" This is not about me or trouble Tito , wala akong ginagawa o kami ng masama . Emergency lang kasi ito Tito "

[ Teka ... ano bang ginawa niyo at hinahabol kayo ? ]

" Jace's driving full speed , nagmamadali kasi kami Tito kaya mabilis ang pagpapatakbo namen . May kailangan kaming puntahan sa airport ngayon at wala na kaming oras kaya nagpabilis na kami ng takbo ... Hihingi sana ako sa'yo ng pabor Tito na pigilan mo sila "

[ Urgent ba talaga yan ? ]

" Yes Tito ! Urgent na urgent na ito ! "

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon