ABatA5G#39

7.9K 209 8
                                        

A/N : Hi :) Sorry kung hahaluan ko ng Third Person's POV . Bakit hindi nalang si Kate o si Jace pinag-POV ko ? Ayoko kasing mahaluan ang POV ni COREEN , pero dahil nga gagamit ako ng Third Person's POV ay para malaman ninyo kung ano ang mangyayare sa buhay ng iba pang GWAPO :) sana maintindihan ninyo :) KAMSA

------

ABatA5G#39

Maaga akong nagising ng araw na ito , mabilis kasi ang naging paglipas ng oras kaya sabado na ngayon at ito na ang huling araw ni Kate na nasa Pilipinas . Nasa tapat ako ng bahay namen ngayon at may inaasahan na isang tao na darating . Isang tao na alam kong makakapagpasaya ng tuluyan kay Kate . Nakikita ko kasi sa kanya sa mga nakaraan na araw na parang may gusto siyang makita , na parang may hinihintay siya . Kita ko iyon kahit na nakangiti ito . Kaya sana naman pumayag iyon at magbago ang kanyang isip .

Dalawang oras na ang nakakalipas ng paghihintay ko sa labas ng bahay namen . Tumingin ako sa relo ko at nakitang mag a-alas nuwebe na ng umaga . Napailing nalang ako kasabay ng pagbuntong hininga ko .

'Hindi na siguro darating yun' I murmurred .

Tumayo na ako sa kinauupuan ko dahil kailangan ko pang maligo , 9:30 kasi ako pupuntahan dito ni Kate , kaya kailangan ko ng mag ready . Pero hindi pa man ako nakakapasok sa loob ng bahay ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko . Nakangiti na nilingon ko ito .

Dumating siya ...

[ Third Person's POV ]

Nakangiting naglalakad patungo sa bahay ng kanyang kaibigan na si Kate . Makikita mo man na nakangiti ito ng malapad , pero may nakatago parin doon  na lungkot na pilit na itinatago nito . May gusto kasi ito na makita o makasama man lang kahit ilang saglit sa araw na ito bago man lang siya umalis bukas patungong NY .

" Coreen ! I'm here " sabi nito ng makarating siya sa harapan ng bahay nila Coreen . Wala itong narinig na sumagot kaya naisipan nalang nito na pumasok na sa loob . Hindi naman siguro magagalit si Coreen . Sabi nito sa kanyang isip . Pero nakahawak palang ito sa hawakan ng pintuan ng may tumawag sa kanya kaya napahinto ito .

" Kate " bumilis agad ang tibok ng puso niya ng dahil doon . Boses palang ang kanyang naririnig , pero para ng kabayo ang puso niya na kasali sa karera . Anong ginagawa niya dito ? tanong nito sa kanya sarili o baka iba lang at kaboses niya lang ito ? at para makumpirma nga nito na siya ito ay dahan-dahan siyang humaharap doon . Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapaniwala na ang taong gusto niyang makasama at makita ay nasa kanyang harapan na .

" J-jace " nauutal na tawag nito , napahawak siya sa kanyang dibdib ng maramdaman na pabilis ng pabilis ang pagtibok nito .

" Can we go ? " nakangiting tanong ni Jace sa kanya . Kahit naguguluhan at hindi parin makapaniwala ay tumango na lamang ito .

Nandito na siya e , siya na nag-a-aya , bakit pa ako tatanggi ? . sabi nito sa kanyang isip bago sumakay sa kotse ng binata .

Kinikilig namang lumabas ang limang tao na nagtatago sa likod ng pintuan na sina , Coreen , Leslie , Ralvin , Braggy at Kent .

Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon