ABatA5G#43
" I'm Xierra Lincollin .. B-braggy's girlfriend ! " parang bigla kong nalunok ang laway ko ng dahil doon . Hanudaw ? ... pinaglolololoko ba ako ng babaeng ito ? . Siya Girlfriend ni Braggy ? kelan pa ? . E diba yung sinasabi ni Braggy nung nasa shop kami ay wala na sila nung ka LDR niya , e sino ang babaeng ito ? . Impostora ? . Tss ! Mga paraan nga naman ng mga babae ngayon para mapalapit lang sa limang gwapo -___- .
Nangulong baba ako sa harapan siya at bagot na bagot na mukha na tinignan ko siya .
" Alam mo Miss kung gusto mo lang mapalapit sa 5 Gwapo kaya mo sinasabi yan , wag mo ng ituloy " parang nabigla siya sa sinabi ko , kaya napaangat ang labi ko . Huli ! See ? ganyan ang mga style ng mga ---
" P-pero Miss , totoo ang sinasabi ko " nauutal na sabi nito na para bang maluluha na ito anumang oras , pero hindi ko nalang pinansin iyon dahil baka isa ito sa mga arte niya .
" Wala akong oras sa drama mo ngayon Miss , kung hinahanap mo si Braggy , hinahanap ko rin siya " tumayo ako sa kinatatayuan ko at isinukbit na ang bag ko sa likuran ko " Kaya wala na akong oras para maki chitchat sa'yo " tatalikod na sana ako ng unahan na ako nito , kaya nagtatakhang napasunod ako sa kanya ng tingin . Bakit kaya siya tumatakbo ? . Ay pake ko ba ? kailangan kong makita si Braggy ! " Nasaan na ba ang mokong na iyon ? kahit pala maraming kalokohan yun sa buhay , marami rin pala itong dalang drama . Hay nako ! "
-
Nasa loob na ako ngayon ng Library , nabaliktad ko na ata ang unibersidad pero kahit balahibo ni Braggy hindi ko nakita . *sigh* nasaan na kaya ang lalaking iyon ? may exam pa naman mamaya ngayon pa niya naisipang mag senti -_- .
" Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala " nahinto ako sa pagbabasa at iniangatan ng tingin ang nagsalita . Si Kent .
" Kasabihan ... kapag hindi makita si Coreen kahit saan , isa lang ang ibig sabihin ... nasa lungga niya ito at walang iba kundi ang Library . Tatak mo yan sa jutak mo Pre " nababagot kong sabi at itinanggal na sa kanya ang tingin ko at ipinagpatuloy nalang ang pagbabasa .
" Okay ? " narinig ko naman ang pagkaluskos ng upuan , na ang ibig sabihin lang nun ay umupo na siya sa harapan ko .
" Nasaan ang iba ? bakit ikaw lang ang naghahanap saken ? " nakakatampo naman si Bebe Ralvin , hindi man lang ako hinahanap ? . Nasa babae nanaman niya siguro yun ngayon , bakit hindi ka pa kasi masanay Coreen .
May narinig ako na ibinulong nito ngunit hindi ko marinig ng maayos . Hindi naman sa bulong yun kaya diko marinig , pero nasa library kami at tahimik dito na ultimo utot mo ay maririnig na ng iba .
" Anong sinabi mo Kent ? " nakita ko naman na nanlaki ang mga mata na napalingon ito saken .
" H-huh ? w-wala . S-abi ko nasa canteen yung dalawa , si Jace hindi pumasok kasi pinuntahan niya yung pinsan niya si Braggy hindi pa dumarating " sabay iwas nito ng tingin saken . Eee ... napansin ko na namumula ang tenga ni Kent , Luhh' O.0 di kaya nilalagnat nanaman ang lalaking ito ?
Tumayo ako sa kinauupuan ko at inabot ang kanyang noo na ikinabigla nito . Napakunot naman ang noo ko .
" A-anong ginagawa mo *gulp* C-coreen " - Kent
Inalis ko ang kamay ko sa noo niya at tinignan ito sa mukha , kitang-kita ko parin ang kanyang tenga na namumula " Wala ka namang lagnat pero bakit namumula yang tenga mo ? " sabay turo ko sa tenga nito . Mabilis naman siyang napahawak doon at para bang itinatago nito ang kanyang tenga .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Fiksi Remaja[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...