ABatA5G#78
Coreen's POV
Isinantabi ko muna ang problemang kinahahrap ng pamilya ko . Kailangan ko munang mag focus sa gagawing Prom mamaya .
Nasa shop kami ngayon kung saan kami nagpatahi ng cock tail dress .
" Morgana , paki deliver nalang sa condo ko , alam mo naman siguro address ko right ? " tumango naman si Morgana sa sinabing iyon ni Xierra " Thank you "
" Maraming salamat rin sa inyo mga madam , good luck sa prom " - Morgana
" Thank you " kaming tatlo at sabay-sabay na lumabas ng shop . Sunod na pinuntahan namin ay ang Mendrez Shoes , madali lang kami doon dahil pumili lang kami ng high heels . Hindi ko nga alam kung kaya kong ilakad yun e , e hindi pa naman ako nakakakapagsuot non .
Pagkatapos ay sa salon , pinaayos lang ng kaunti ang buhok namen tapos umalis na kami agad . Humahabol kami sa oras dahil ilang oras nalang ay Prom Night na kailangan pa naming magbihis . Naligo pa muna kasi kaming tatlo bago pumunta sa dapat puntahan e , kaya umabot kami ng dalawang oras , ngayon dalawang oras din sa pagpunta sa mga dapat puntahan kaya ngayon may dalawa nalang kaming oras na mag-ayos .
" Okay lang naman yan mga girl , isusuot nalang naman naten ang mga susuotin e , atsaka sa make up ? hindi na nga tayo dapat naglalagay nun dahil may natural beauty tayo " - Xierra
" Wow ! Confident much ! " - Kate
" Naman " - Xie
" Pero ako hindi " napatingin silang dalawa saken , mabilis ding ibinalik ni Kate ang tingin sa daan dahil nagdra-drive ito " I don't have a natural beauty , kaya kailangan niyo akong make-up-an "
" Anong sinasabi mo ? you have a natural beauty kaya noh ? napabayaan ka lang dahil nga lumaki kang one of the boys . But don't worry Coreen , me-make-up-an naman kita , but light lang katulad ng samin " tumango nalang ako . Mabilis kaming bumabang tatlo sa kotse ng makarating kami sa condo ni Xierra .
-
" Sigurado ba kayong susuutin ko ito ? " sabay pakita sa kanila nung cocktail dress na pinatahi nilang dalawa " Hindi kaya ako magkapulmonya nito ? " paano ba naman kasi labas ang likod , buti nalang yung harap medyo tago at hindi V line kundi labas cleavage ko , may transparent naman ito ang kaso puti na malinaw kaya medyo hindi kita kapag suot ko na , yung para bang wala lang siya ? yun !
" Hindi yan ! OA mo naman , pulmonya agad ? " - Kate
" Hindi ako OA , tignan mo naman kasi , parang hindi na ako nagdamit sa dress na ito e "
" Ay Coreen kung ganyan ka , wag ka nalang kayang sumama . Pero kawawa naman si Kent kung ganun , baka pumunta siya ng Prom na walang date " - Kate
Pinatatamaan ba niya ako ? -_- aish naman e !
" Oo na , isusuot ko na ! " padabog na pumasok ako ng banyo , naririnig ko pa silang tumatawa sa kwarto kaya napairap nalang ako sa kawalan .
Nang maisuot ko na yung dress ay lumabas na ako ng cr .
BINABASA MO ANG
Ang BOYISH at Ang 5 GWAPO ( Completed )
Novela Juvenil[ UNEDITED ] ღ [S][E][A][S][O][N]-[ 1 ]ღ Kilalanin ang 5 GWAPO sa kwentong ito :) sana ma enjoy niyo ang kakulitan ng limang gwapo naten na mayayaman na makakaranas ng gawaing pang mahirap sa kamay ng ating bida . Hihi<3 Join kayo sa...