21

14 1 0
                                    





Isusulat kita sa paraang alam ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isusulat kita sa paraang alam ko.
Kahit malayo sa mainit na pakiramdam ang mga titig mo
Sa bawat sulyap at titig mo'y
Mistulang alapaap na hands akong ilipad sa langit.
Handa kitang abutin
Kahit imposibleng ikaw ay mapasa'kin.
At sa bawat kindat,
Ang kaluluwa ko'y lumiliyad
Ang damdamin ko'y nag-uumpisang maglayag
Kahit gaano ka pa kalamig.
Kahit malayo.
Kahit imposibleng maabot kita mula sa kalangitan
Nakahanda naman akong mahalin ka ng palihim
Mula sa malayo,
Sa bawat titig,
Sa paminsang sulyap
Sa habang buhay na panaginip,
Na hatid ng ating malamig na paligid.
Mahal kita,
Pero imposibleng maging akin ka.
Sapagkat ikaw ang kalawakan
Sa panaginip na kailanman ay hindi ko mapupuntahan.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon