Kung sakaling magkulang– nagkulang ako
Sitahin mo– para maiayos ko,
Para mapunan ko
Para maitama ko
Para matandaan ko.
Para hindi ko na ulit-ulitin pa.Kung sakali man na sumobra ako,
Ipaalala mo sa akin para maintindihan ko.
Ipaliwanag mo sa akin para maunawaan ko.
Iiwasan kong masakal ka sa gapos ko,
Luluwagan ko ang pagkakatali
Basta't wag ka lang bibitaw sa mahigpit na kapit ko.Kung sakali man na hindi ako marunong magbalanse– ng oras, atensiyon, tiwala at pagmamahal,
Kausapin mo ako.
Ituro mo kung ano ang tama
Ipayo mo ng mahinahon kung ano ang dapat.
Pangako ko,
Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo.Kung sakaling magkulang ako,
Sana– buong tapang mong sabihin sa mga mata ko.
Buong lakas mong ipaalala na sumosobra na ako.
Walang pagkukunwari mong isiwalat na hindi mo na nararamdaman ang presensiya ko.Sana sabihin mo
Kung saang banda– na nagkulang ako
Kesa hanapin mo sa iba
Habang ako'y tila bulag na nangangapa
Sa kung saang banda ba ako
hindi naging sapat at tama sayo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020