•Nakaraan•
May mga gabing
gusto mo nalang matulog
At manatiling tulog nalang
habambuhay.
Nahihirapan kang ipikit ang 'yong mga mata.Naiinip kang ipahinga ang iyong isip
na tila hindi napapagod
takbuhin ang paikot-ikot na sirkumstansiyangnag-uudyok sa 'yong diwa–
para pawiin ang inis
para patigilin ang sakit
para bumangon ulit.sadyang may mga bagay na gumugulo sayong isipan
t'wing maghahatinggabi na sayong orasan.
Binabagabag ka ng 'yong damdamin sapagkat
hindi mo alam kung saan mo lahat sisimulan.Nahahati ang desisyon– sa gilid, unahan at likuran
Subalit nagmumulto parin
ang luluwa ng kanyang nakaraan.Hanggang kailan ka kaya mangungulila sa lumisan na daigdig?
Dati'y nasanay ka sa init,
ngayo'y paano mo lalabanan ang panlalamig?Makiusap ka man, walang may lakas ng loob na makinig.
Tanging pagsisisi at panghihinayang nalang
na sa t'wing matutulog ka'y mang-uusig.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020