N'ong sinabi mo sa akin na ayaw mo na.....umiyak ako.
Dahil ilang beses akong nahirapan at nasaktan pero kahit kailan hindi kita nagawang sukuan.
Gustong gusto kitang yakapin para sabihin sa'yong mahal na mahal kita at kahit anong mangyari, hindi 'yon magbabago pero pinagtawanan mo pang ako.Alam mo ba na sa tuwing tumatanggi ka sa yakap, halik at pag-aalo ko...nasasaktan ako?
Kase sa tuwing ginagawa mo 'yon sa akin, niyayakap ko ang sarili ko.
Hinahalikan ko ang sarili ko.
Tinatahan ko ang sarili..
Pero kahit kailan, hindi kita sinumbatan.
Ang sabi mo pa nga nong gabing 'yon...
Matagal mo na akong gustong iwan...kaya lang, naaawa ka sa akin.
Pwede bang kaawaan mo ako ng paulit-ulit nang sa ganun ay hindi ka na magtangka pang umalis?Gustong gusto kitang pigilan pero sinaksak mo ako ng paulit-ulit ng sabihin mo sa aking,
"Hindi na ako masaya sayo, kaya Hindi na kita mahal."
Tapos na realize ko..na hindi lahat ng masaya ay totoo at hindi lahat ng pagmamahal ay umaabot hanggang dulo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020