Luha
hindi ko na mabilang
kung ilang beses ko nang
tinangka na
pigilan,
na kahit punong-puno
ng sama ng loob,
ay pinilit ko paring
malunod sa sarili kong agos,
sa sarili kong unos,
at kahit
walang kasiguruhan kung
kaya ko pa bang
patilain ang ulan,
hinayaan ko ang sariling lumangoy
ng lumangoy
sa pag-aakalang
kaya akong anurin
sa dulo ng pagtahan.Ngunit,
nakalimutan ko nga palang
walang sinuman
ang pwedeng makatulong sa'kin
paalis sa naglalakihang
alon na kahit anong oras
ay pwede akong suunginilang beses kong sinubukang
sagipin ang sarili ko
subalit huli na ang lahat
ng napagtanto kong
wala akong kawala
sa sarili kong baha.habang ang mga butil
na patuloy lang
sa pagmamarka,
na minsan
ay bumabakas pa
at tila kayhirap
ipagsawalang bahala,
mahirap pigilan,
subalit
mas masakit sa dibdib k
apag hinayaan nalang.napatigil ako
sa gitna ng pagod
nanghinayang ako sa oras
na ginugol ko
para pakawalan ka
sa pagkakabihag sa akin.
Kung gaano kasakit
ang ikulong ka'y
Ganun katindi ang
kinakailangan kong
lakas ng loob para palayain ka.kaya't hinayaan kitang makawala,
kesa ako ang mahirapan,
kesa paulit-ulit akong mabagabag
ng mga butil ng ulan
na naging resulta
ng iyong paglisan.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020