26

9 1 0
                                    

Kriminal

Ang batang paslit...
Tila masayang pinagmamasdan ang kanyang amang naghihimutok malapit sa mag-inang magkayakap at takot na takot. 
Isa... Dalawa...
Isa... Dalawa 
At humugot ang kanyang ama ng sandata...
Isa... Dalawa..
Itinutok sa mag Ina ang baril na kanina pa nakakasa..
Isa dalawa...
Hindi kumukurap ang mga mata...
Isa dalawa...
Dalawang putok ang pinakawalan ni ama sa kanyang mga sandata,
Ang batang paslit ay tila di nagitla,
Nang kanyang makita ang dalawang buhay na bumulagta...
Isa dalawa...
Dalawang panibagong putok
Matapos ang dalawang putok na bumulabog sa harapan ng lahat...
Ngunit Hindi ang kanyang anak...
Hindi ang anak  na nagulat...
Ng sa kanyang harapan humimlay 
Ang dalawang buhay...
Ang buhay ng mag Inang walang kalaban Laban...
Subalit walang humpay na pinatay ng baril.... ng kanyang ama...
Isa... Dalawa..
Muling Isa dalawa...
Apat...
Sa apat na Bala
Pinatay ng kanyang ama...
Ang kawawang mag-ina...
Katanungan...
Katarungan...
Para sa walang Malay na biktima...
At ang kamatayang sigaw...
Para sa demonyong kriminal.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon