89

7 0 0
                                    

Sa t'wing maglalandas ang ating mga mata,
Bumabagal ang ikot ng aking mundo,
Bumibilis ang tibok ng puso ko
Nanlalambot ang parehong tuhod ko–nagiging masaya ang bawat araw ko,

Salamat sayong paghinga– sayo lang ako nakakaramdam ng pahinga kapag ako'y napapagod na.
Salamat sayong mga ngiti–
Na nagiging sandalan ko at pamunas sa bawat paghikbi

Salamat sa mga tawa– nararamdaman ko ang ibat-ibang uri ng saya sa t'wing nakakaramdam ako ng lungkot sa pag-iisa

Salamat sa buhay mo– sapagkat ikaw ang dahilan ng makulay kong mundo.

Salamat sayo–
Salamat sa pagmamahal mo.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon