Dahil sayo
nang natagpuan kita,
nakahanap ako ng mauuwiang tahanan
at paraiso kung aking ituring,nang matagpuan kita,
nakahanap ako ng kasangga,
nakatagpo ako ng kakampi
at sandalan sa tuwing napapagod ako.
ikaw ang dahilan ng aking paghinga,
ikaw ang aking pahinga,
ikaw ang kanlungan,
kapag nawawalan ng pag-asa at nanghihina.nang matagpuan kita,
umiyak ako kay Bathala.
Kaytagal kong inasam na makapiling ka,
at heto na nga– nasa akin ka na.dahil sayo,
natagpuan ko na ang pag-ibig na tunay at dalisay,
ang pag-ibig na panghabambuhay
at hindi ko pagsasawaang ipagmalaki,dahil sayo,
araw araw akong uuwi ng may ngiti sa labi.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020