Pinagtagpo
At pinagbuklod
Sa mata ng Diyos
Nanumpa at lumuhod
Ang dalawang taong
handang magtaguyod
ng pamilyang masaya
at buo.Naging masaya ang basbas ng pagsasama
Ang bawat araw ay binuo ng masayang ala-ala
Lalo na ng dumating ang mga supling
Tila ang pagmamahal sa pamilya ang tanging hiling.Subalit gaya ng bagyo,
Ang mga unos ang sumubok
Kung gaano ba katatag ang pamilyang binuklod?
Isang hagupit, isang latay,
Isang dagok ay biglang nalugmok
Ang pamilyang sinubok ng maraming unos.Nang napagtantong masakit na ang bawat pagmamahal,
Hindi na nga yon pag-ibig
kundi isa ng pagkakasakal.
Kaya't nagpasyang maghiwalay,
At tapusin na lamang,
Ang sinumpang pagmamahalan,
Na walang hangganan.Kapag ang sumpaan ay nasambit,
Ang tadhana ang maglalapit
Para itakda ang pagmamahal
Na magkasama niyong bubuuin,Subalit kapag ang itinakda ay inilihis
Ng tadhanang kaylupit
Ang pagmamahalan ay nagiging mapait,
Ang paghihiwalay ang siyang sasapit.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020