Balang araw,
May isang taong handang talikuran ang lahat,
Makasama ka lamang.
Ang taong bukas palad kang mamahalin,
Sa kabila ng malungkot at masakit mong nakaraan.
Ang taong handa kang ipaglaban,
Buo ka man o wasak.
Ang taong hindi ka magagawang iwan,
Kahit pa pumuti ang uwak.
Balang araw,
Matagpuan mo ang taong
Yayakapin ka ng ngiti
Hahaplusin ka ng lambing
At aalagaan ka ng pagkalinga,
Bata ka pa man o maedad na,
Birhen ka man o Hindi na.
Balang araw,
Ang bawat pag-aalala
Ay tutumbasan ng higit na pagtanggap
Na sa wakas,
Hindi mo kailangang magpanggap para lang matanggap
Para mahalin
Ang taong higit pa ang pagmamahal sa pagmamahal mo❤️
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020