Isinulat kita sa paraang akin ka.
Inilarawan kita gamit ang sarili kong titik
Pangalan mo ang aking pamagat.
At sa bawat dulo ng tala at pangungusap, tayo'y magkatugma kahit minsa'y magkasalungat.Ikaw ang mahiwagang simula at dulo ng bawat taludtod na nilapatan ko ng lirikong binuod
Ang himig at salita'y hindi man alinsunod
Sapagkat isinulat kita sa paraang ako lang ang malugod.-Kantang walang tono
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020