22

16 1 0
                                    


Makailang ulit na niyakap ng lamig ang malungkot na sandali ng makita ng buwan ang masasayang bituin na sumasayaw sa kalangitan.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat,
May isang puso ang tahimik na lumuluha sa batis ng ala-ala'y patuloy na nangungulila.

Ilang sandali pa nang biglang humulagpos ang galit na galit na alon sa karagatan ng hikbi,
Kasunod ng umaalingawngaw na siyap ng mga kulisap na nagkalat sa kung saan lamang
Ang kaninang tahimik na paligid ay nagsimulang umingay,
Nagmistulang may pagdiriwang sa langit
Subalit hindi para magsaya o punuin ng galak at saya ang espasyo ng lagusan patungo sa malayo,
Sa halip, ay isang malungkot na awitin ang dumadagundong kasunod ng mabibigat na yabag,
Ng umaatungal na iyak ng lahat,
Nananangis sa labis na sakit suot ang mga puting damit,
Ang kalembang ng kampana'y naging hudyat
Subalit ang mga matang pinuno ng luha'y hindi na kayang imulat
Habang inihuhulog sa bangin pailalim sa hukay ang kahon ng taong kailanman ay hindi na makakaramdam ng hirap.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon