40

11 1 0
                                    

Nagmahal din ako. Nagmahal ng sobra-sobra.

Dati, may mga gabing halos itakwil ko ang aking sarili kahahabol ng kahahabol sa taong minsan ko nang naging pahingahan, subalit, ginawa akong pampalipas oras.


May mga panahon na halos ipagpilitan ko ang aking sarili na suklian ng pagmamahal ng taong ginawa kong paksa, subalit ibang tao naman ang naging akda.

Dati, pinagsikapan kong burahin ang sarili kong marka at baguhin ang aking sarili para lang matanggap ng taong gustong gusto ko

Ilang beses akong nagtimpi at nagtiis na damhin ang lamig ng pakikitungo,
Ilang beses akong nangako na mananatili–– kahit ang kapalit ay oras-oras mo  naman akong iniiwan sa kung saan at ang mga oras na yon ay hindi ko alam kung paano pa ako babalik– sa sarili ko.

Ilang beses akong nagmakaawa, nagtiis at tumangis na manatili ka sa aking tabi habang inaayos ko ang aking sarili–na siyang hindi mo pinansin.
Ilang beses 'yon–na pinilit kong sarilinin ang tunay na sakit dahil sa pagmamahal mong pilit.

Subalit–– napagtanto ko,
Na may mga bagay talagang mas lumalala ang sugat,
Mas nagdudulot ng labis na sakit–
Ang lamat ay paulit-ulit lang na babalik
At paulit-ulit ako–ikaw na papatayin ng masamang panaginip.
Kapag ang Hindi na pwede ay ipinilit ng ipinilit pa nating sagipin.
Kapag– ang bawat 'bakit' ay sinagot ng  ating hinanakit
At ang bawat kulang–labis–sapat na pagmamahal ay nagdulot na ng sakit
Maiisip mong–
Dati–umalis ka tapos bumalik tapos umalis at muli nanamang babalik at pagkatapos ay paulit-ulit kang aalis at muli'y– nakakapagod ka nang tanggapin pabalik.

Oo nga. Marahil ay minsan nang napagod ang puso–subalit ang paulit-ulit na sakit at kirot ay hindi na nararamdaman ng manhid na pagmamahal.
At kung ang pagpapalaya ang sasagot sa lahat ng pagtanggap–mahal kita pero hindi ko na kaya pang magpanggap.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon