M a a a r i
Kung sakaling magtagpo muli ang ating mga landas
Maari mo ba akong iwasan?
Maiging pati pagsulyap ay iyong iwaglit
Maski ang pagtangan sa'king mga kamay
O pagsambit ng aking ngalan
Gaya ng iyong nakagawian.
Maari mo ba akong layuan?
O Kung magkasalubong man tayo,
Ikaw sana'y lumiko nalamang..
Pangako..
Iiwasan kita.
Hindi ako magdaramdam...
Hindi ako masasaktan
Kung sakaling ituring mo akong...
Parang hangin na lamang...
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020