Tumatahan ako sa bawat yakap mo.Gusto kong magpasalamat sayo– di dahil
Kilala mo ang tunay kong pagkatao.
Alam mo ang mga problema– kahinaan, takot at pangamba
Maging ang mga bagay na nagbibigay saya– ngiti at galak sa akin.Ang totoo,
presensiya mo ang palagi kong hanap.
Palagi akong balisa kapag di'ka nakikita
May kulang sa pakiramdam kapag di kita masulyapan
Dahil maluwag at binabagabag ako
kapag wala ka.
Kapag wala ka– sa piling ko.Sa bawat oras, gusto kong sumandal sa malapad mong dibdib–
sapagkat alam kong diyan– ligtas ako sa panganib
Hindi ko naman pinangarap na maging kriminal,
Ngunit gusto kong makulong sa'yong bisig ng paulit-ulit.
Dahil ikaw lang ang may kakayahan– na pakalmahin ang gulong-gulo kong isipan.
Ikaw lang ang may kapangyarihang
magpabalik sa dating tibok ng naghaharumentado kong puso.Ikaw lang ang nagtitiyagang magbalot ng matatamis na salita para tapatan ang mga luhang pilit na kumakawala.
Ikaw lang– ang may kakayanang magmanipula ng sakit na hindi ko mabura-bura
Dahil ikaw.
Ikaw yan.Dahil ikaw lang ang may kakayanang alisin ako sa miserableng ilusyon
At nagagawang paglapatin ang ritmo ng marahan na tapik at himas sa sa'king mga balikat.Sayo lang.
Sayo lang ako kumakalma
Pinapawi mo ang sakit na nadarama.
Dahil sayo.
Tumatahan ako sa bawat yakap mo.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020