Marami tayong naranasan ngayong taon.
Maaaring may mga lakad na kinansela dahil kinakailangan
May mga planong napag-uusapan pero hindi matuloy-tuloy
May mga pagsubok na dumagok at hindi natin magawang lagpasan
May mga buhay na kinuha ng biglaan, ng walang paalam
May mga pag-ibig, relasyon, samahan na sinubok at tuluyang binuwag ng malalakas na unos.
May mga kalamidad na pinadapa ang buong sambahayan,
May mga suliranin na patong-patong at tila nahihirapan kang sulusyunan
May mga pangarap, na pilit mang sinisira at sinusubok ng panahon,
Subalit pursigido kang pagsikapan sa gitna ng malakas na ambon, kahit madalas na nahihirapan kang umahon.
Talagang masakit ang taong ito.
Pero alam mo bang sakabila ng hirap at pagtitiis sa taòng ito,
Marami kang dapat na ipagpasalamat sa Diyos
Sa pag-aadya at pag-iingat sayo at sa iyong pamilya
Para manatiling ligtas, malakas at sama-samang salubungin ang panibagong kabanata ng buhay.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020