83

12 0 0
                                    

♡A l a s
D o s e
n g
H a t i n g g a b i♡

kakaiba ang gabing ito.
walang huni ng kuliglig
na maririnig sa kahit na saang
sulok.

wala ring lumilipad na alitaptap.
walang pagsikat ng buwan
sa mataas na parte ng kalawakan.

pulo-pulo ang mga ulap na
animo'y balahibo ng manok.
ang mga bituin ay
tila nilisan na ng pagkinang.

hindi katulad ng ibang gabi
n'ong nakaraan.
kakaiba ang gabing ito–
ang pagkakataong ito.

dahil tahimik– malungkot
mahamog, malamig, ramdam ang pag-iisa
mas nakakatuksong
mag-isip ng kung ano-ano.

maging ang antok
at pagod ay tila pumanaw na.

marahil
pinlano ang
mga sandaling kailangan
kong magkubli sa
dilim at talikuran
ang liwanag na
nakakasilaw.

umihip ang malamyos
at malamig na hangin.
tila pinawi ang init
sa'king pakiramdam

ngunit nagdagdag lamig
naman
sa preskong kapaligiran.
pinilit kong pumikit.

ngunit ang mukha
na matagal nang
nakabaon sa libingan
na nais kong kalimutan
ay tila nahukay
at nagpaparamdam.

mulat akong napayuko.
hungkag ang isipan
nanlalamig ang pakiramdam.
Parang may kulang.

sa kung paano nahati
ang araw at gabi,
ito na yata
ang pinakamalungkot
na hatinggabi.

t'wing sasapit ang alas dose
bakit kailangang
maalala ka pa?

ang nagdaan na
alas dose ng hatinggabi
kilig at tawanan
ang namayani.

Lumaon
ang ulan at araw.
ang pagmamahal
pala
ay tila mababaw.

buong akala ko'y
sapat ang init ng kape
sa kakaibang lamig.

ngunit
ang alas dose ng hatinggabi
ang pinakamalungkot na sandali
dahil wala ka na
sa'king tabi.
mag-isa nalang pala ako
sa gitna ng
hinatinggabi

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon