D arating ang araw na mawawalan ka ng gana sa lahat,Aani ka ng pangungutya at masasakit na salita dahil sa minsan mo nang pagkakadapa, ngunit
L iwanag at pagmamahal ang mananaig para bumangon ka ng may ngiti sa labi habang nababalutan ng lakas ng loob at pag-asa
U nos ay hindi mananaig sapagkat Pluma at Papel ang iyong kapit
Y aong paglalayag at masayang paglalakbay tungo sa tagumpay ang iyong magiging kaagapay
O bra at akda'y pagyayabungin, habang ang inspirasyon at paniniwala sa Diyos ay iyong ihahain
N inanais ay unti-unting pagsisikapang abutin
G abay ang umaalong suporta at pagmamahal, umaagos na letra at salita, at naglalayag na tiwala sa sarili.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020