64

11 0 0
                                    

Kaluluwa ng Hustisya
kung ang bawat sikreto
ay isasama sa hukay

marahil ay wala nang
maghahanap, magsasaliksik,

tatanggi, tatakas at mabubulag
sa tunay na saysay ng katotohanan.

marahil ay hindi na nga
makapagsasalita ang lumisan

subalit maligalig ang kaluluwang
hindi kailanman matatahimik

hangga't hindi kayang sagutin
ng eksaktong pananaw

ang mahihirap na katanungan.

at kung sakaling,
ang pangyayaring pilit na tinatakasan

ay paulit-ulit na itinuturo ang liko-likong daan,

siguro naman, ang tamang pagpataw ng sagot
ay manatiling tuwid at walang kinikilingan.

at kung ang salarin ay mapagbalat-kayo,
pagagalawin ang lahat ng takip
para hindi madakip,

nawa ang kaluluwa ng yumao
ang magsilbing mitsa

para ituro kung Sino
ang tunay na demonyo.

yaong hindi pa sapat
na makapitan at mapiit

sa malamig na rehas,
para makapagbayad.

nararapat
na kapag buhay ang ninakawan
ng ulirat,
buhay at kaluluwa rin
ang siyang igawad,

hindi para makaganti
o bumawi,

sapagkat
kailangan lang
pairalin ang
sistemang bulag
at pipi

para
putulin
ang hikbi
at saklolo
ng maraming
biktima
na nagapi

ng maling
pagsusuri.

sana,
magparamdam
ang kaluluwa
ng hustisya
na
hindi pa rin,
matahimik
sa kabilang
buhay
ng paghuhukom

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon