78

7 0 0
                                    

    ⊙ K a m a h a l - m a h a l k a ⊙
Kapag umiiyak ka,
ginugulo ka ng libo-libong tanong.
Malalim ka kung mag-isip.
Pakiwari mo'y may kulang sayo.

Iniisip mong– hindi ka kamahal-mahal.
Iniisip mong– hindi ka mahalaga.
Kaya ganun nalang kadali para sa kanila
ang saktan ka.

Nagsasawa ka nang malunod sa sakit.
Baldado ka na sa pag-iyak.
Nagsasawa ka na sa pagkukunwari.
Nawawalan ka na ng pag-asa
Na darating ang araw,
Na matututunan din ng iba na mahalin ka
Na makikita nila ang iyong halaga.

At sana..
Sa t'wing iisipin mong wala kang halaga– o wala kang kwenta
Maisip mo rin sana,
Kung gaano katagal kang hinulma ng Diyos sa kanyang isipan
para maging isang natatanging nilalang.

Sa t'wing maiisip mo na hindi ka kamahal-mahal,
Isipin mo na ginawa ka ng Diyos dahil mahal na mahal ka niya.
Nandiyan lang siya sa tabi mo palagi
at hinding hindi ka iiwan.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon