88

7 0 0
                                    

Ikaw ang Tahanan.

N'ong gabing humiling ka ng kalayaan,
Ibinigay ko ang bagay na tila kaytagal kong kinapitan
Alam mong hindi ako marunong makinig sa kwento at paliwanag
Pero tinupok ang nararamdaman kong sakit at pait ng mahigpit mong mga yakap.

Mahal ko ang lahat sayo– pati na'rin ang lahat lahat ng bagay na tinatago mo
Mula ulo hanggang paa,
Sigurado akong mahal kita,
Mahal kita ng paulit-ulit kahit pighati ang laging kapalit.

Gusto kong maalala ang mga halik mong nagmamarka
Ang makapanindig balahibo mong titig
Ang nakakapanlambot ng tuhod mong mga lambing
Ang pagmamahal mong hanggang ngayo'y bitbit ko parin,

Ikaw ang pahinga kapag napapagod na ako sa twina
Ang tahanang paulit-ulit kong uuwian, kahit saan man ako magpunta
Isang halik, isang lambing, ang nakaraan ay handa kong limutin
Sayo na ako ulit at ikaw ay para lang sa akin.

Pluma At PusoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon