Pagkatapos ng lahat.
Masarap ulit-uliting gawin ang mga buntong hininga–na tila kaytagal mo nang pinigilang gawin.
Pagkatapos ng lahat,
Tila kay-alwang imulat ang mga mata na sobrang tagal naghintay ng bukas
Na may mga araw na–pinipilit mong maging maayos at kampante
Kahit na– patuloy kang inaanod ng ibat-ibang klase ng suliranin at problema.
Pagkatapos ng lahat,
Nagagawa mo nang ngumiti at magsaya,
Wala nang hapdi at latay ng kahapon na magmamarka
Tanging kalayaan nalang ang iyong nakikita,
Pagkatapos ng mga panahong
Ikinulong ka at itinali ang mga paa.Pagkatapos ng lahat,
Wala nang sakit.Marahil ay nabawasan na ang kirot,
Subalit pagkatapos n'yan,
paghilom na ang kasunodPiliin mong tanggapin.
Hindi ka makakalakad ng matuwid,
Kung kahit nakamulat ka'y
ginagambala ka pa rin ng bangungot.Ngunit bago ang lahat,
Turuan mo ang puso mong magpatawad.Ang pagtanggap ang una bago ang pagpapatawad
Pero ang pagpapatawad ang lubusang magpapalaya sayo pagkatapos ng pagtanggap.
Maaring pagkatapos ng lahat,
Mahirap ang makabangon at bawiin ang lahat,Pero piliin mong tanggapin,
Piliin mong palayain ang lahat ng sakit.Pilitin mong makausad
Piliin mo sa lahat ang magpatawad
At ang pinakamahalaga–para tuluyan kang maging masaya,
Piliin mong magmahal ng paulit-ulit
Kahit pagkabigo at sakit ang maging kapalit.Magparaya ka at magpakumbaba.
Yan ang sangkap na pinakamahalaga.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoetryIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020