Marupok
Sinabi ko sa sarili kong
hindi na kita tatanggapin
kung sakaling bumalik ka,Sinabi ko rin na–
kakalimutan kita,
gaya ng paglimot mo sa akin.Hindi ko makakalimutan,
nong nagpasya akong
iwasan ka,Ngunit,
Tuwing iidlip ako,
nakikita kita sa panaginip–
na kasama ako
at masayang ninanamnam
ang bawat sandali.Sa tuwing ngingiti ako,
maaalala ko
kung paano mo
ako tinuruang tumawa
at maging masaya.Sa tuwing maglalakad ako sa kung saan,
nararamdaman ko parin ang bigat ng
'yong kamay na nakapatong
sa'king balikat,
at ang kamay mong nakahawak
sa kamay ko
habang mabagal nating
binabagtas ang daan.Nandito pa rin
ang mga halik
na nagmamarka
at ang mga yakap
na humahaplos sa buo kong katawan.Kaya't sa tuwing maaalala kita,
Para akong inaanay na tuyot na kahoy,
Nababaliw at paulit-ulit na
nagiging
marupok.
BINABASA MO ANG
Pluma At Puso
PoesiaIsinulat gamit ang tinta na may bahid ng sugatang puso 09/12/2020